Friday , November 15 2024

Pasay city mayor kinompirmang muling nagpositibo sa CoVid-19

NAGPOSITIBO muli sa corovirus disease 2019 (CoVid-19) nitong Linggo si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kinompirma kahapon 2 Enero ng isang opisyal ng Pasay City government.

Nasa isolation ngayon ng hindi binanggit na health facility ang alkalde ng lungsod.

Wala rin binanggit ang kanyang chief of staff na si Peter Eric Pardo, kung anong uri ng variant ang nakahawa kay Rubiano ngunit sinabing “she is symptomatic.”

Ayon kay Pardo, sumama ang pakiram­dam ng alkalde noong Sabado ng nakaraang linggo. Sumakit ang lalamunan o nakaranas ng sore throat.

Aniya, si Mayor Rubiano ay agad sumailalim sa RT PCR test at nagpositibo sa CoVid-19.

“The mayor will continue to discharge her functions as the local chief executive, and will hold online meetings while she recuperates,” ani Pardo.

Matatandaan, noong Pebrero 2021 unang nagpositibo sa virus si Rubiano.

 (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …