MALAKING dagdag-presyo sa produktong petrolyo, ang asahan sa darating na Martes, 4 Enero.
Ang napipintong pagpapatupad ng mga kompanya ng langis ng dagdag presyo ay sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya, posibleng tataas ng P2.20 hanggang P2.30 ang presyo ng kada litro ng diesel, P1.90- P2.00 sa presyo ng gasoline, at P1.80-P1.90 naman ang posibleng ipatong sa presyo ng kerosene.
Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyohan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Noong 21 Disyembre 2021, huling nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag-presyo na P0.70 sa kerosene, at P0.55 sa gasolina at diesel.
(GINA GARCIA)