Friday , November 15 2024
4 gun runner timbog sa Montalban, Rizal Edwin Moreno photo

4 gun runner timbog sa Montalban, Rizal

Hindi nakaligtas sa mga awtoridad ang apat na miyembro ng gun- running syndicate nang makumpiskahan ng mga baril, granada at mga bala sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 19 Disyembre.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriguez PNP ang mga nadakip na suspek na sina Whaldyn Ban, 33 anyos; Isagani Villacorte, 41 anyos; Bonifacio Gomez, 45 anyos; at Jay Ar Ganceña, pawang mga residente ng nabanggit na bayan.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong kalibre 45 na baril, dalawang magasin, 20 bala, dalawang hand grenade, 17 boodle money na tag-P1,000, isang Kawazaki Raider motorcycle, Samsung cellphone, at tatlong P1,000 bill na ginamit na buybust money.

Nabatid na dakong 6:30 ng hapon kamakalawa nang isinagawa ang operasyon sa pamumuno ni P/Lt. Fernan Romulo sa Blk. 20 Lot 22-A Theresa Heights Subd., Metro Manila Hills, Brgy. San Jose, sa naturang bayan.

Pahayag ni P/Lt. Col. Pipo, naaresto ang mga suspek dahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

intensified campaign against all forms of criminality at loose firearms.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Gun Running) at RA 8294.

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …