Sunday , November 17 2024
Elmo San Diego QC DPOS Quezon City

Kaligtasan, kalusugan ng lahat ang una sa QC — DPOS official

NAKATAKDANG magpulong ngayong Lunes ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at mga supporters ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa kahilingan ng mga ito na gamitin ang Quezon City Memorial Circle (QCMC) bilang ‘starting at end point’ ng gagawing motorcade sa araw ng Miyerkules (Decmber 8, 2021).

Agad na binigyang diin ni Ret. Brig. Gen. Elmo San Diego, hepe ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na kaligtasan at kalusugan ng lahat ang una sa pamahalaang lokal, partikular na ang mga pumapasyal sa QCMC.

Matatandaang nagulo ang negosasyon para sa nasabing kaganapan nang si Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor ang unang humiling na kakailanganin nila ang isang ‘covered court’ sa QCMC upang paghandaan ang gagawing motorcade nila ni Marcos.

Tumugon naman ang QC goverment sa pamamagitan ni San Diego kay Defensor at isinaad na walang pagtutol ang lungsod sa kanyang kahilingang makagamit ng “covered court” sa nasabing pagtitipon, ngunit mariing pinaalalahanan ang mambabatas na dapat ay susunod ang lahat sa mga itinakdang mga health protocol ng IATF. Nangako pa nga ang opisyal na magtatalaga rin sila ng security at traffic personnel upang maalalayan ang grupo ni Defensor. 

Subalit, sa isa pang liham ni Defensor na ipinadala nito noong November 29,2021 sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte, isinasaad nito na bagamat nagpapasalamat siya sa madaling pagtugon ng lungsod sa kanyang unang kahilingang makagamit ng “covered court”, inihirit na ni Defensor ang paggamit ng malaking bahagi ng QCMC, ang Liwasang Aurora, hindi lamang nang iisang araw, kung di mula December 6 hanggang December 9, 2021, maliban sa kanilang paggamit sa “covered court”. 

Ipinag-giitan ni Defensor na sa dami ng inaasahang magsisidalo maging sila, katulong man ang pamahalaang lungsod ay mahihirapang ipatupad ang mga health protocol na itinatakda ng IATF, kaya’t kailangan ay magamit nila ang Liwasang Aurora mula December 6 hanggang December 9,2021.

Muli, sa pamamagitan ng tanggapan ni San Diego, tumugon ang pamahalaang lungsod sa liham ni Defensor at  agad pinadala ito sa mambabatas kina-bukasan (November 30, 2021) at inimungkahi na kanilang pagpulungan ang binabalak na pagtitipon ng grupo ni Defensor upang mapangalagaan ang “kaligtasan at kalusugan” ng lahat ng nagtutungo sa QCMC sa mga araw na kailangang gamitin ng mambabatas ang QCMC.

Ang ‘meeting’ ay iminungkahi ni San Diego na maganap ng December 2, 2021 alas diyes ng umaga sa may city hall upang maiplantsa ang mga seguridad sa kaganapan at ipina-alala kay Defensor na kritikal pa ang sitwasyon dahil nasa ilalim pa ng ‘Alert Level 2’ ang kamaynilaan at ipinagbabawal ang “3Cs” – “over Crowding, Closed contact, at Confine spaces.”

Dagdag pa ni San Diego sa liham, ang Liwasang Aurora ay isang “Child-Friendly Safe Zone” kaya talagang nakalaan lamang para sa mga kabataan at kanilang mga pamilya upang magkaroon ng “quality time” sa isa’t isa. Ito ay sa kabila na rin na karamihan sa mga kabataan ay di pa mga bakunado , at ayon na rin kay San Diego, maaaring malagay sa peligro ang mga kabataan kapag napahalo sa maraming tao na mag-titipon sa kaganapang gagawin ng grupo ng mambabatas.

Ipinaliwanag din ng opisyal kay Defensor na ang kanilang iminungkahing lugar na  maaaring gamitin ng grupo ni Defensor ay di lamang isang ordinaryong ‘basketball court’ ang sukat, sapagkat ito ay kinapapalooban ng dalawang basketball court at dalawang volley ball court at kasya ang tatlong libong (3,000) katao na naka-social distancing na. Ito raw ay nangyari na nang gamitin ng grupo nila Senator Bong Go, Mayor Isko Moreno, ACT Teacher Partylist, Anak Pawis Partylist atbp., ang nasabing venue.

Kaya’t ipinaliwanag pa ni San Diego kay Defensor na kailangan talaga nila ang pagpupulong bago mangyari ang ninanais ng mambabatas na gamiting ang lugar sa loob ng tatlong araw.

Nagulat na lamang ang lahat nang kinabukasan ay winiwithdraw na ni Defensor ang kahilingan at sinisisi na ang lokal na pamahalaan at sinasabing may diskriminasyon daw ito, na siya namang nagbunsod sa mga taga-suporta ni Marcos sa pangunguna ng isang Atty. Thompson Montes Keith, Chairman/Founder BBM National Leaders na sila na ang sumulat at humiling na gamitin ang QCMC sa December 8.

Gayun pa man,, sa pagtugon ni San Diego kay Atty. Keith, kailangan pa rin pagpulungan ngayong Lunes, ang kanilang kahilingan, dahil nakasalalay “ang kaligtasan at kalusugan ng lahat” sa gagawin nilang pagtitipon-tipon sa QCMC.

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …