Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga Fifth Solomon Alex Gonzaga

Closeness nina Toni at Alex ‘di nagbago

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATULONG siguro talaga ang pagkakaroon ng asawa at pagiging matured kapwa nina Toni at Alex Gonzaga kaya’t wala na silang awkwardness kapag magkasama sa trabaho.

Kung noo’y nariringgan natin ng reklamo si Toni ukol kay Alex na medyo pasaway at makulit, ngayo’y wala na sa ginawa nilang pelikulang The ExorSis, isa sa Metro Manila Film Festival entrie na mapapanood simula December 25 na idinirehe ni Fifth Solomon at handog ng Viva Films at TinCan Productions.

“Naku, at this point sa buhay namin wala na siguro kaming ganoong awkwardness. Mas more on nag-e-enjoy kami ‘pag magkakasama kami,” ani Toni.

“Wala namang awkward, siguro magiging awkward lang ako sa ate ko kung ang role namin ay mag-girlfriend , nakahubad kami tapos naghahalikan, other than that, wala naman,” seryosong sagot naman ni Alex.

At bagamat may kanya-kanya ng pamilya sina Toni at Alex, walang nabago sa kanilang closeness.

“Lagi kaming may time ni Alex for each other, kasi I think nakatulong din na dalawa kami, so talagang ‘yung bond na nabuo namin, connected na talaga kami kahit magkalayo kami. We may not be physically together all the time, pero ‘yung communication namin, laging tuloy-tuloy.

“So, lagi kaming updated sa mga pangyayari sa buhay ng bawat isa, ‘yung mga milestone, kung anuman ‘yung mga pinagdaraanan ng bawat isa, lagi kaming present,” kuwento ni Toni.

Sinabi rin ni Alex na walang nabago sa pagtitinginan nilang magkapatid. Katunayan, si Toni ang una niyang sinabihang buntis siya at ito rin ang nakaalam nang magkaroon siya ng miscarriage.

Samantala, ate ni Alex pa rin ang role ni Toni sa pelikula at bestfriend nila si Melai Cantiveros. Si Toni ay masyadong goal driven at focus sa pangarap na nang namatay ang parents nila, siya ang sumalo ng responsibilidad bilang nanay ni Alex na hindi niya nagustuhan. Si Alex si Dani na sasapian ni Lengleng. Hinahanap niya ang pagmamahal ng kanyang kapatid na hindi niya nararamdaman dahil hindi siya nito pinapansin dahil bitter  ito sa kanya.

Mapapanood ang The ExorSis sa December 25-January 7, 2022 handog ng TinCan Productions at Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …