Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sab Aggabao 2

Sab Aggabao muntik mag-burles

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGAMAT marami ang nagsusulputang hubadera, tiyak na  magmamarka si Sab Aggabao bilang sexy- comedienne. Komedyante kasi siya sa tunay na buhay. Friendly din  at madaling pakiusapan. Isa siya sa Viva Artist na ilulunsad bilang Pambansang Pantasya sa Vivamax sa pelikulang Pornstar2:  Pangalawang Putok.

Kasama rin si Sab sa Crush Kong Curly at Eva ng Viva.

Dapat pala’y siya ang gaganap na Anak ng Burlesk Queen ni Joel Lamangan na ipoprodyus ni Joed Serrano. Hindi lamang iyon natuloy dahil na-shelve ang project.

Nanghihinayang man na hindi natuloy ang project with Lamangan, malaki ang pasasalamat ni Sab na napunta siya sa Viva. ”Opo nakuha ako pero hindi na ako tumuloy noong nakapirma na ako ng kontrata sa Viva. Maganda pong simula ‘yun sa career (offer ni Joed). At thakful ako kay Direk Joel dahil ako ang pinili niya at kay Tito Joed.

“Wala naman akong regrets but I’m happy na nag-try akong mag-audition. Sa sexy role ko na ginawa sa Viva, all out ako. Pero talagang depende sa role na kailangan kong ibigay. Kung bibigyan ako ng role na talagang kailangang mag-all out wala akong hesitation, gagawin ko ‘yun,” ani Sab.

At masaya si Sab na nasama siya sa Pornstar 2 na siya ang pinakabunso at pinakasariwang na-recruit sa pelikula. Ang magiging coach niya ay si Maui Taylor.

Ang Pornstar2 ay mapapanood na sa  December 3 na idinirehe ni Darryl Yap.

At dahil sexy at komedyana si Sab, natanong ito kung gustong sundan ang yapak ni Rufa Mae Quinto.

“Gusto ko maging original na Sab Aggabao.Go ako  sa mga concept na ginagawa niya pero bet ko maging orig ,” diretso niyang sagot.

Bukod sa Pornstar2, kasama siya sa Crush Kong Curly at  Eva.

Puwede siyang i-follow sa Sab Aggabao Facebook Page, sa Instagram @realsabaggabao, at sa TikTok—sabaggabao05.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …