ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya
PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula sa ika-pitong palapag, ng isang guwardiya matapos kantiyawan ng biktima ang suspek habang nag-iinuman sa isang condominium sa Makati City kahapon ng madaling araw.
Namatay noon din ang biktimang si Ronald Tolo, 38, stay-in sa kanyang pinagtratrabahuan sa State Condo 1, Sotto Street, Legazpi Village, Barangay San Lorenzo ng nabanggit na lungsod.
Ilang tama ng bala sa iba’t bang bahagi ng katawan mula sa kalibre .38 baril.
Nasa kustodiya ng Makati City Police ang suspek na si Dionisio Tabla, 51, security guard, ng Sandal Wood Street, Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.
Sa report ng Makati City Police, nangyari ang insidente dakong 12:55 am sa rooftop ng State Condo 1, na matatagpuan sa Sotto Street, Legazpi Village, Barangay San Lorenzo Village ng nabanggit na lungsod.
Janitor ang biktima at guwardiya naman ang suspek sa nabanggit na condominium, kung saan nag-inuman dahil kaarawan ng isa nilang kasamahan.
Habang nag-iinuman, kinantiyawan umano ng biktima ang suspek pero hindi idinitalye.
Iyon umano ang dahilan kaya nagalit ang guwardiya saka binunot ang baril, at noon napaurong ang biktima.
Pinagbabaril ng guwardiya ang janitor at mula sa rooftop ng naturang condo ay nahulog sa ikapitong palapag ay nahulog ito na ikinasawi nito.
Dahil sa insidente ay humingi ng police assistance ang guwardiya ng Makati Central Estate Association, (MaCEA) Inc., na si Noel Imbing.
Natagpuan ng mga pulis ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima sa damuhan ng isang hardin sa bahagi ng Rada Street, habang nadakip naman ang suspek na noon ay papatakas na sana.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya at inihahanda ang kasong pagpapatay, matapos makuha ang isang kalibre .38 baril at ilang mga basyo ng bala. (GINA GARCIA)