Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim

Xian sunod-sunod ang serye at pelikula

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

ANG ganda naman ng karma nitong si Xian Lim. Habang indefinitely suspended ang taping ng GMA 7 series na Love. Die. Repeat dahil sa ‘diinaasahang pagbubuntis ng lead actress na si Jennylyn Mercado, itinoka na agad siya ng Kapuso Network na maging leading man ni Glaiza de Castro sa mini-series na False Positive na naka-iskedyul nang itanghal ng network sa January 2022.

 Sa November 27 magsisimula ang lock-in taping ng mini-series na isang buwang mapapanood sa GMA-7. Ang nangangasiwa sa mini-series ay si Irene Villamor na direktor din ni Xian sa Love.Die.Repeat.

Makakapag-concentrate si Xian sa taping ng False Positive dahil tapos na niya ang shooting para sa Bahay na Pula, ang suspense thriller movie ng direktor na si Brillante Mendoza.

Sina Julia Barretto at Marco Gumabao ang mga co-star ni Xian sa Bahay na Pula. Kinunan sa Mindoro ang mga eksena ng kanilang pelikula na isa sa mga special offering ng Vivamax sa 2022.

Bago nag-lock in taping si Xian para sa Love, Die, Repeat nakatapos pa siya ng syuting para sa Yorme: The Story, na  siya ang gumaganap na Isko Moreno bilang meyor ng Maynila. Incidentally, December 1 na ipalalabas ang pelikula na mistulang reunion din ng mga taga-That’s Entertainment.

Alam ng marami na nakabuting apo at anak si Xian, kaya siguro ang ganda ng karma n’ya in the sense na ‘di siya natetengga sa panahon ng pandemia. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …