SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KUNG sobrang nadalian si Direk Darryl Yap sa pakikipagtrabaho kina Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, at Rosanna Roces namroblema naman siya sa mga baguhang sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Cara Gonzales, at Stephanie Raz na kasama sa Pornstar 2: Pangalawang Putok.
“Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set ‘yan, nakikita ko ‘yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap ‘yung kalooban ko.
“Nagrereklamo ako kay Boss Vic (del Rosario) sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’
“Sabi ko sa kanila, ‘magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘kasi direk kapag tatakpan pa, itatakbo pa ‘yung robe.’
Pagtatanggol naman ni Ayana sa tinuran ni Direk Darryl, ”Naglalakad kami sa hallway nang nakahubad lang. Ayaw na naming isuot ‘yung robe kasi pagpunta namin sa set, tatanggalin din naman. Same lang naman ‘yung mga tao na makakakita.”
Sa kabilang banda, sa mga kumuwestiyon kung bakit Pornstar ang ginamit na titulo sa pelikula gayung hindi naman pornstar ang mga bidang sina Osang, Ara, Maui, at Alma, narito ang paliwanag ng director, ”The reason why I used pornstar is because it actually mirrors how society see the actors just doing sexy. It’s actually a judgment for the people.
“Ito’y sampal sa mukha ng mga masyadong konserbatibo na kapag nakitang nakikipaghalikan sasabihin na kaagad pokpok pornstar.”
‘Yun na! Abangan ang journey ng mga bagong hubadera ng Viva Films saPornstar 2: Pangalawang Putok sa December 3 sa Vivamax.