Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herbert Bautista, Ping Lacson

Ping — Disciplinarian, istriktong guro

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Sa kabilang banda, natanong naman si Bistek ukol sa kung ano ang pagkakakilala niya sa Presidential aspirant na si Ping Lacson.

Sagot ni HB, disciplinarian si Ping, istriktong guro. Pero funny din ito kapag kausap.

Si HB at Ping ay may konek. Napatunayan ito sa Online Kumustahan sa Rizal na ginawa ni Ping, kasama ang ilan niyang senatoriable aspirants tulad nina Paolo Capino at Dr. Minguita Padilla nang ikuwento ni Bistek ang ukolsa pelikulang ginawa niya noon kasama si Rudy Fernandez, ang Ping Lacson Story.

Si Rudy ang gumanap na si Lacson na isang top cop at crime buster, habang si Bistek naman ang sidekick at trusted man ni Daboy, si Michael Ray Aquino.

Sa tunay na buhay, isa ring alagad ng batas si Michael Ray at talagang pinagkakatiwalaan ni Ping sa mga operasyon para sugpuin ang mga kriminal tulad ng mga kidnapper.

“Kaya tingin ko ‘pag naging presidente si Ping Lacson, ang kanyang pinagkakatiwalaan na si Michael Ray Aquino, ako pa rin ang gaganap niyon sa Senado,” giit ni HB.

Bilib si Sen. Ping sa husay ng kaalaman ni Bistek sa mga problema ng bayan na kailangang lutasin tulad sa alokasyon ng pondo sa local government units, at maging sa agrikultura–tulad ng COCO levy fund at pagbaha ng imported na mga gulay at bigas.

Para naman kay Bistek, si Ping ang dapat maging pangulo dahil ito ang may pinakamalawak na karanasan sa pamamahala sa lahat ng mga kandidato.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …