I-FLEX
ni Jun Nardo
PALAKPAKAN na may kasamang sigawan ang fans ni Nadine Lustre matapos kumalat ang balitang magbabalik-pelikula na siyang muli.
Kakaloka lang ang nabalitang title ng movie kung hindi papalitan—Greed!
Natahimik si Nadine nang balitang kumalas na siya sa management niyang Viva Artist Agency (VAA). Nagkademandahan pa dahil sa umano’y breach of contract, ‘di ba?
Eh sa kung matutuloy ang pagbabalik niya sa movie, all is well na ba sa VAA at Nadine?
Ano naman kaya ang mangyayari sa career ng ka-loveteam niyang si James Reid?