Saturday , November 16 2024
Taytay Rizal

Taytay LGU wagi sa pandemic response

DINAIG ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on CoVid-19 Pandemic Response” batay sa inilatag na panuntunan kaugnay ng mga programang isinagawa sa gitna ng national health emergency.

Kinilala ang Taytay sa epektibong paggamit ng digital applications na nagbigay daan para mabilis na matukoy ng pamahalaang lokal ang mga bagong kaso ng mga positibo at agarang pagbibigay lunas.

Sinuri rin ng nasabing mga ahensiya ang lawak ng naabot ng programang libreng bakuna kontra CoVid-19 gamit ang Taytay Trail app at Vax app.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Taytay Mayor Joric Gacula ang DILG, DICT at NICP para sa pagkilala sa kanilang pagsisikap na tumugon sa mga panahong higit na kailangan ang gawa kaysa dada.

“Maraming Salamat DILG, DICT at NICP sa iginawad na parangal sa aming bayan. Gagamitin namin itong inspirasyon para lalo pang pagbutihin ang mandatong ipinagkatiwala ng aming mga nasasakupan,” ani Gacula sa kanyang FB post.

Samantala, nahagip din ng Taytay LGU ang ikalawang puwesto sa kategorya ng “Business Empowerment” kaugnay ng Taytay Market Collection System.

“Congratulations po sa lahat ng ng Taytayeño na tumulong, naniwala at sumuporta  para makuha natin ang karangalan na ito.” (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …