Friday , November 22 2024
Antonio Yarra

Mag-ama dinakip sa pagpatay sa retiradong sundalo

QUEZON CITY, METRO MANILA — Dalawang araw makalipas patayin ang isang retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang mag-amang sinbaing repsonsable sa pagbaril sa sundalo, sa Barangay Inarawan sa Antipolo City. 

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen. Antonio Yarra ang mga suspek na sina Deogenes Rodriguez at ang kanyang anak na si Steven Dennis Rodriguez, kapwa nasa legal na edad at naninirahan sa 30 KM, Marcos Highway, Sitio Inuman sa Bgy. Inara­wan.

Naging target ang mga suspek sa isang police manhunt operation sa pagpaslang kay retired 2Lt. Daniel Wilson, na sinabing binaril ng mag-ama sa isang karinderya sa panulukan ng Scout Madriñan at Sgt. Esguerra Avenue sa Bgy. South Triangle, Quezon City.

Matapos ang pagbaril, isang follow-up operation ang agarang isinagawa ng CIDU sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Elmer Monsalve na nakakuha ng CCTV footage mula sa kalapit na establisimiyento at positibong kinilala ang isang testigo na isang barangay kagawad.

Sa interogasyon sa witness, sinabi ng barangay official, nasa loob sila ng kanyang maybahay sa nasabing kainan ng dumating ang puting Starex van, may plakang UOP 300.

Kasunod nito ay dumating ang biktima na naupo sa tabi ng testigo habang ang suspek na si Deogenes ay pumuwesto naman sa likuran ng sundalo.

Dito na sumenyas si Deogenes sa kanyang anak na biglang binaril si Wilson saka mabilis na tumakas.

Sinabi ng barangay official, hindi agad nai­sum­bong sa mga awtori­dad ang pangyayari dahil sa takot at idinagdag din na ilang mga indibiduwal na nakasaksi sa pang­yayari, kabilang ang isang Perez at Pondare Jr.

Sa positibong pagka­kakilanlan sa mag-ama, agad nakipag-ugnayan ang CIDU sa Provincial Police Office ng Antipolo, Rizal para magsagawa ng pursuit operation sa mismong bahay ng mga suspek.

Pagdating doon ay nakita ang Hyundai Starex na nakaparada sa loob at positibong natukoy ang mga suspek kaya agad dinakip ng pulisya. Ang isa pang anak ni Deogenes na si John Percival Rodriguez ay hinuli rin dahil sa tangka nitong mamagitan at pigilan ang mga pulis para dakpin ang kanyang ama at kapatid.

Bukod sa Hyundai Starex van, nakompiska rin ng mga awtoridad ang isang Sig Sauer 1911 .45 caliber pistol na loaded ang magazine at extra magazine na may pitong live ammunition, isang varsity bag na naglalaman ng bandolier vest, isang Trijicon rifle scope; Elisco M4 Carbine, may serial number na RT134316 at loaded magazine, .45 caliber magazine, 73 5.56 live ammunition, 13 9MM live ammunition, tatlong cellular phone at handheld radio.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …