I-FLEX
ni Jun Nardo
FULFILLED ang isa bucket lists ng aktor na si Joel Torre na gumanap bilang isang bading sa Viva movie na Barumbadings.
Take note, hindi klosetang bading ang character ni Joel sa movie kundi fashionista at may malaking suot na wig!
Jewel nga ang name niya sa movie. Eh sa tagal niya sa showbiz, marami na siyang nakatrabahong mga bading sa produksiyon.
“Tribute ko ito sa kanila. Nang lapitan nga ako ng isang kaibigang director, tanong niya, ‘Lalaki ka ba talaga May itinatago ka pala!’ Natawa na lang ako sa kanya. Ha! Ha! Ha!” sabi ni Joel sa virtual mediacon ng movie.
Kasama niyang papapel na bading sa movie sina Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, at Baron Geisler. Sa October 2 ang streaming sa Viva Max ng Barumbadings mula sa direksiyon ni Darryl Yap.