Sunday , November 17 2024

Sa trust rating survey
PRRD NANGUNA, VELASCO MULING NANGULELAT

102821 Hataw Frontpage

KULELAT na naman si House Speaker Lord Allan Velasco sa trust rating survey na isinagawa ng Publicus Asia, Inc.

Nakakuha lamang si Velasco ng 12.067 porsiyentong high trust rating at 35.8 porsiyentong low trust rating.

Ang nakuha ni Velasco sa survey na isinagawa noong 11-18 Oktubre ay mas mababa sa kanyang nakuha sa mga naunang survey ng Publicus.

Sa second quarter survey ngayong taon na isinagawa mula 13-19 Hulyo 2021, si Velasco ay nakakuha ng 13.93 porsiyentong high trust rating at 36.27 porsiyentong low trust rating.

Sa first quarter survey ngayong 2021 na isinagawa mula 20-29 Marso 2021 ay nakakuha si Velasco ng 14.53 porsiyentong high trust rating at 35.33 porsiyentong low trust rating.

Sa huling survey ng Publicus noong 2020, nakakuha si Velasco ng 18.13 porsiyentong high trust rating at 30.20 porsiyentong low trust rating.

Sa October 2021 third quarter survey, nakapagtala si Pangulong Rodrigo Duterte ng 52.93 porsiyentong high trust rating at 23.6 porsiyentong low trust rating. Sumunod sa kanya si Vice President Leni Robredo na may 22 porsiyentong high trust rating at 46 porsiyentong low trust rating.

Si Senate President Tito Sotto ay nakakuha ng 19.8 porsiyentong high trust at 35.2 porsiyentong low trust rating samantala si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakapagtala ng 14.6 porsiyentong high trust rating at 29.6 porsiyentong low trust rating.

Walang nagkomisyon sa Publicus upang gawin ang survey. Mayroon itong 1,500 respondents. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …