Sunday , December 22 2024
Kim Molina, Jerald Napoles

KimJe inaatake ng nerbiyos sa swab in at swab out

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


SUNOD-SUNOD ang pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina sa Viva Films kaya naman sanay na sila sa lock-in shooting. Super blessed nga sila na bagamat may pandemic, marami pa rin silang trabahong tinatanggap.

Tulad ngayon, muling mapapanood ang KimJe sa comedy-horror film na  Sa Haba Ng Gabi na Halloween offering ng Viva. Idinirehe ito ni Miko Livelo na mapapanood na simula sa Oct. 29 sa Vivamax.

Bagamat sanay na sa lock-in shooting ang KimJe, inaatake pa rin pala sila ng nerbiyos kapag sasailalim na swab test bago magreport sa location shoo.


Kuwento ni Je,“Unti-unti na na rin kaming nasasanay sa lock-in taping pero ako hindi po ako nasasanay sa swab test, eh. Never akong nasanay sa swab.”

“Parang first time lagi,” sambit naman ni Kim.

“Pero wala po, eh, wala akong choice. ‘Yun lang ang pinakanasanay ako kasi para sa akin, personally, ang tingin ko sa actors on the set, even the staff on the set, parang frontliners na kailangan pagsalang namin kailangang mag-shoot kami whether we like it or not.

“Kailangang tapusin namin ang project para may mapanood ‘yung tao. Tapos kaming mga artista lang po ang nagtatrabaho sa panahon ng pandemic ang kailangang magtanggal ng mask ‘pag nagtatrabaho.

“So, bukod po sa mayroon kaming swab in at swab out, nasanay po akong mag-ingat kung kailan magma-mask ka, kung kailan hindi magma-mask. May dadalhin na disinfectant kasi kapag swab in o swab out, ‘pag nag-positive ka hindi ka makauuwi. Ang hassle ng idea,” mahabang paliwanag ni Jerald.

“Ako, personally, nami-miss ko ‘yung dati – ‘yung shoot ngayon, bukas makakapag-trabaho pa ako ng iba tapos the next day, shoot ulit. Ha-hahaha! Siyempre, income po ‘yun, eh,” pagtatapat ng aktor.

At kahit maging maluwag na, feeling ni Jerald hindi na mawawala ang  pagpapatupad ng safety protocols dobleng pag-iingat.

“Siguro, pagkatapos nitong pandemic sobrang mare-retain sa akin ‘yon dahil nasanay na ako na naka-mask ako lagi kahit saan,” dagdag pa ni Jerald.

Aniya pa,  napapraning pa rin siya kapag nagpapa-swab test dahil sa takot na baka magpositibo. “Siyempre, kasi pag nangyari ‘yon tanggal ka sa produksiyon.

“Eh, per project basis po kami. Hindi naman kami kagaya niyong iba na, ‘O, magpagaling ka ng two weeks, then pasok ka na.’ Ito, ‘pag natanggal ka, abang ka na naman ng ilang buwan kung bibigyan ka ng trabaho.

“Sa exit swab naman po, kung sakaling mag-positive ka, ‘yung kikitain mo gagastusin mo kasi magku-quarantine ka sa ibang bahay o sa iba para hindi ka makahawa. Maghintay ka ng result para hindi madala sa pamilya mo.”

“At saka po ‘yung sinabi ni Je, somehow parang frontliners kaming actors, everyone involved actually, the production, the crew. Alam ko po na well, compared to our frontliners, we’re really very far kung ano talaga ‘yung sacrifices nila.

“’Yun na lang din ang motivation ko, for me kasi, like ako, my parents are OFW at hindi kami nagkikita, so my only way for them to see me ay ‘pag napanood nila ‘yung ginawa kong pelikula.  So, ‘yun na lang din ang motivation ko na somehow we are less than 5% frontliners also,” paliwanag naman ni Kim.

Ang sa Haba ng Gabi ay ukol sa Zombie Apocalypse na ipinrodyus ng

Master of Horror na si Erik Matti. Mapanonood ito sa Oct 29 at mula ito sa Viva Films at Reality Entertainment.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …