SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TUMANGGAP ng Outstanding Public Servant award si Partido Reporma standard bearer Senador Panfilo “Ping” Lacson mula sa mga miyembro Philippine Movie Press Club Incorporated.
Bilang tugon, nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mambabatas bunga na rin ng pagbibigay-halaga ng movie press sa kanyang kakayahan, katapatan, at katapangan (KKK) sa serbisyo publiko na inabot na ng 40 taon.
“My sincerest gratitude to the Philippine Movie Press Club, Incorporated, for bestowing upon me this special award of being an Outstanding Public Servant. In my long years in public service I always maintain that there is no way one can impose to others what you cannot practice yourself. As I say, leadership by example is always the key and there could be no other way. This is way I always live by my personal freedom: what is right must be kept right and what is wrong must me set right,” bahagi ng acceptance speech ng Partido Reporma standard bearer.
Ipinaabot ni Lacson sa nabanggit na sektor ang kahalagahan ng pagsusulong ng mabuting liderato upang matapatan ang krisis na dala ng pandemya.
“More than anytime in our country’s history, it is high time for us to pursue leadership excellence as we confront the health crisis that is causing our people’s suffering,” ayon kay Lacson.
Pangako ni Lacson sa PMPC ang maayos at matinong pamumuno kung siya ang pipiliin ng taumbayan sa Presidential elections sa susunod na taon.
“I am humbled by this special award from your organization. Rest assured that I will be as committed and relentless in advocating tenets of good governance as we continue our work for our fellow Filipinos. Muli maraming salamat at Mabuhay ang PMPC!” banggit pa ni Lacson.