Wednesday , May 29 2024
Christi Fider

Christi Fider, hataw sa kaliwa’t kanang projects!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Christi Fider. Ipinakita ng dalaga ang talent both as a singer and actress.

Unang pumutok siya via sa single niyang Teka, Teka, Teka ni Direk Joven Tan. After this ay sumabak naman si Christi sa pag-arte sa pamamagitan ng pelikulang Ayuda Babes na si Direk Joven din ang direktor.

Kamakailan naman ay nanalo siya bilang Most Promising Female Artist sa PMPC Star Awards for Music. Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa natamong karangalan.

Ano ang reaction niya at ng kanyang mom na si Ms. Edith Fider sa recognition na ito ng kanyang talent?

Tugon niya, “Very unexpected but grateful. Nagulat ako na may trophy na dumating dito. We’re both very happy and thankful sa PMPC, kasi nire-recognize nila ‘yung mga new artists like me.”

“Actually noong unang nalaman ko na nominated ako, hindi siya nag-sink in sa akin. Not until noong may trophy na. Hindi talaga ako makapaniwala. This is my first award and I will forever cherish it,” masayang dagdag ni Christi.

Mas magiging inspired ba siya sa pagiging singer/artist dahil sa parangal na ito?

Wika niya, “Yes of course. Nagulat din ako sa support ng mga tao. Everyone is very happy for me and because of this, mas lalo akong nagaganahan gumawa ng mga bago pang kanta.”

Ngayon ay labas na ang follow-up single ng singer/actress titled Heto Na Naman na ginawa rin ng prolific writer/composer/director na si Joven Tan.

Ito ay isang hugot song na ayon kay Christi, “Na kahit paulit-ulit tayong nasasaktan ay pinipili pa rin natin ang magmahal ulit.

“Even if mag-give up na tayo sa love, once may ma-meet tayong person na we feel like there’s a chance na he/she might be the right one, we will still give it a chance kahit alam natin na we might get hurt again,” esplika pa niya.

Aminado si Christi na kakaiba ang bago niyang single, kaya na-excite raw siyang i-record ito.

“When I heard the intro pa lang, sobrang nagulat ako kasi very different from my personality. My first single Teka, Teka, Teka is very light and bubbly kasi, then this one Heto Na Naman is the opposite.

“Since I’m still in the stage of trying out different genres, of course na-excite ako to record this one,” wika pa ng singer na tinaguriang Bubble Gum Pop Princess.

Ang single niya ay released under Ivory Music and available na siya ngayon sa Spotify and Apple Music. Balita rin namin, unang araw pa lang ng release ng new single ni Christi, halos umabot na ito sa 10,000 streams.

Nalaman din namin kay Christi na may bago siyang movies.

Aniya, “Yes. I have two movies for next year. One is horror with direk Joven Tan and the other one is indie with direk Jay Altarejos. Excited na ako to shoot, pero siyempre kinakabahan din.

“Mayroon pa rin akong isang movie offer pero hindi pa puwedeng i-disclose ‘yung details,” nakatawang wika pa niya.

Aside sa mga proyektong ito, ano ang next na dapat abangan sa kanya ng fans niya?

Lahad ni Christi, “Aside from my single and movie projects… Nag-reformat ako ng channel. I will focus more on my day to day vlogs.

“Also I have a new podcast with my best friend, available siya sa Spotify and ang title is The Chill Spot, so may new episodes kami every Friday at 5pm.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Piolo Pascual FAMAS

Best Actor award ng FAMAS sinungkit ni Alfred Vargas, ka-tie ni Piolo Pascual

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPALUNAN ni Alfred Vargas ang kanyang unang FAMAS Best Actor …

Kris Bernal Hailee Lucca

Kris Bernal problema pa rin paghahanap ng yaya sa anak

MATABILni John Fontanilla MAY isang taon na pala simula nang mag-post si Kris Bernal sa kanyang social …

Eva Darren FAMAS Sheena Palad Tirso Cruz III

Kontrobersiya laging kakabit ng FAMAS

I-FLEXni Jun Nardo HAYAAN na ninyo ang FAMAS. Humingi na rin naman ito ng apology sa …

Mic Singing

Singer alsa balutan sa holding area nang sabihang ‘Bakla Ka!’ ni Gay make up artist 

I-FLEXni Jun Nardo TINAWAG na bakla  ng isang gay make up artist and stylist ang isang klosetang singer nang …

FAMAS

FAMAS nakabawi na sana nabahiran pa ng pang-iisnab

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA nga sana ang FAMAS sa taong ito. Kasi binigyan nila ng pagkilala …