NAKATAKDANG ilipat ng Cebu Pacific ang kanilang operasyon sa bagong Bicol International Airport simula kahapon Biyernes, 8 Oktubre, matapos ang pagpapasinaya kahapon, 7 Oktubre.
Papalitan ng Bicol International Airport, may kapasidad hanggang dalawang milyong pasahero kada tao, ang Legazpi Domestic Airport.
Simula noong 2006, may flight ang Cebu Pacific patungo at mula sa Legazpi at nakapaglipad ng hindi bababa sa 4.5 milyong pasahero sa loob ng 15 taon.
Dahil sa pandemya, 11 beses lamang ang biyahe ng Cebu Pacific kada linggo sa Maynila at Legazpi mula sa limang beses kada araw, bukod sa isang daily flight patungo at mula sa Cebu.
“We have consistently maintained our presence at the Bicol region and we remain committed to continue supporting its growth. The new airport is a welcome development as this will enable us to increase passenger and cargo flights once demand picks up, and will consequently contribute to the region’s economic recovery,” pahayag ni Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.
Pinatatakbo ng Cebu Pacific at ng subsidiary nitong Cebgo, ang pinakamalawak na domestic network sa bansa, at ang lumalaking international network na sumasaklaw sa Asya at Gitnang Silangan.
Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.
Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.
Sa kasalukuyan, napaturukan na ng CoVid-19 vaccine ng Cebu Pacific ang 97% ng kanilang flying crew at inaasahang makokompleto ang pagbabakuna sa lahat ng kanilang mga empleyado ngayong buwan. (KARLA OROZCO)