Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo naghain na ng COC para Kongresista ng District 1 ng QC; Sylvia suportado ang anak

ni Maricris Valdez-Nicasio

NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang aktor na si Arjo Atayde para sa pagtakbong congressman sa 1st District ng Quezon City sa 2022 elections.

Kaninang umaga nagtungo ang award winning actor sa Commission on Elections National Capital Region (COMELEC NCR) sa Intramuros, Manila para pormal na ihain ang COC kasama ang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Bukod sa mga magulang na sina Papa Art at Sylvia, naroon din ang incumbent mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte na sumuporta sa Kapamilya actor.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Joy na ineendoso niya si Arjo dahil mabuting bata at maganda ang puso.

Pangako ni Arjo, pagsisilbihan niya nang tapat ang District 1 ng Q.C.. Ipinangako rin niyang hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan at hindi lolokohin ang kanyang mga kadistrito.

Ilan sa mga tututukan ng itinanghal na Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards para sa digital series niyang Bagman ay ang edukasyon, healthcare, employment, at frontliners.

Nais din ni Arjo na bigyang solusyon ang pagbaha sa West Riverside.

Sa kabilang banda, may babala ang inang si Sylvia sa anak na si Arjo, “Suportado kita anak. Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka ng tapat at totoo.

“At huwag na huwag kang manloloko o magnanakaw dahil kapag ginawa mo ‘yun ako mismo ang kakastigo sa iyo.”

Sinabi pa ni Sylvia na sasapakin niya ang anak kapag nangurakot ito. 

Pero 101 percent sure naman ang magaling na aktres na hindi magagawang mangurakot o magnakaw ng kanyang anak dahil kilalang-kilala niya ang pagkatao at ugali nito. 

Katunayan, noong June 2021 ay nag-donate si Arjo ng mga service vehicle sa Quezon City government para makatulong sa logistics ng pamahalaang lokal bilang panlaban sa COVID-19 pandemic.

Sa huli muling iginiit ni Arjo na, “Pagsisilbihan ko ng tapat ang District 1 ng QC. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at ‘di ako magnanakaw.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …