Sunday , December 22 2024
James Yap, CoC, San Juan, Francis Zamora

James sinabon agad ng netizens (Sa pag-file pa lang ng COC)

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

GRABE, ngayong Oktubre 5 pa lang magpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ang basketbolistang si James Yap bilang konsehal sa San Juan City, kaliwa’t kanan na kaagad ang komento sa kanya.

Si James ay nasa ilalim ng partido ni incumb ent Mayor Francis Zamora.

Ayon kay @Camua Ferdie, ”Your hometown of Escalante need more your services.”

Payo naman ni @Makabagong Pilipino, ”Dapat kasi may batas talaga na dapat at least graduate ng Economics, Public Administration, Political Science or Communications yung kandidato. Kesa pag nanalo dun palang magaaral wasted agad yung unang taon nya sa pagkakaupo.”

May kumuwestiyon din ng tirahan ni James, si @Jean De Guzman, ”OMG hindi naman legit na nanirahan ‘yan sa San Juan , I don’t think citizens of San Juan are stupid enough to vote for him.”

Aliw naman ang sabi ni @Jasmin Cin Buitizon,

Log in or sign up to viewSee posts, photos and more on Facebook.

“Pota, ano na nangyare sa’yo Pinas!!! Pati ba naman atleta nabuang na dahil sa pandemya!”

Anyway, noong nagdiwang ng kanyang ika-39 kaarawan si James sa Gastropub District 8 Greenhills kasama ang mga kaibigang manlalaro na tinawag na Party Boys Association (PBA) ay nakapanayam nito ang manunulat ng Inquirer na si Dolly Ann Carvajal at nabanggit na magre-retiro na siya sa paglalaro kapag tu­mun­tong siya ng edad 40.

Sa Pebrero 2022 ay 40 years na ang basketbolista kaya dapat ay retirado na siya base sa pahayag niya pero tila nabago na ang ihip ng hangin dahil hindi na niya ito itutuloy kahit na magtapos ang kontrata niya sa Rain or Shine ngayong Disyembre 2021.

Sa isang panayam ni James ay sa larangan ng sports ang nakikita niyang puwedeng itulong ngayong panahon ng pandemya lalo na sa mga kabataan kaya siya papasok sa politika.

Aniya, ”I think wala sa PBA at nasa public service, ‘yung bang active player. Kung mapagbigyan tayo at manalo, makapagbibigay inspirasyon pa rin ako as a player and at the same time makakapagserbisyo tayo as elected official.”

Ang sabi naman ni Mayor Zamora, ”When he helped me in previous elections, nakita ko ‘yung enthusiasm niya to serve.

“A lot of people idolize him, especially the youth. He came from humble beginnings. He himself is a success story. ‘Yung ganoong life story is a source of inspiration. 

“That I feel is his biggest strength. He can be a big influence in our anti-drug programs and advocacies for the younger generation.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …