MAY P105,818 utang ang bawat Filipino dahil pusupusan ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P11.64 trilyon hanggang noong nakalipas na Agosto.
Sa report ng Bureau of Treasury, pumalo na sa bagong record high na P11.64 trilyon ang utang ng national government noong Agosto 2021.
Batay sa ulat, nadagdagan ng P32.05 bilyon ang utang ng Filipinas sa loob lamang ng isang buwan dahil noong Hulyo ay naitala ang utang ng bansa na P11.61 trilyon.
Inutang sa mga institusyon sa bansa ang P8.22-T habang P3.42 ang external debt o utang sa labas ng bansa.
Kasabay ng paglobo ng utang ang paglaki ng bilang ng walang trabaho na umabot sa 3.88 milyon na ang katumbas ay 8.1 % unemployment rate noong Agosto 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kompara sa 3.07 milyon unemployed noong Hulyo 2021.
Ibig sabihin, higit 800 milyon ang nawalan ng trabaho sa loob ng isang buwan.
Ikinatuwiran ng gobyerno na dulot ito ng ipinatupad na lockdowns o enhanced community quarantine noong Agosto.
Pangunahing mga sektor ang natapyasan ng mga nagtatrabaho ang Education; administrative and support service; professional, scientific, technical; construction at human health and social work. (ROSE NOVENARIO)