Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jinkee Pacquiao

Jinkee dasal at Bible verses ang sagot sa mga basher

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NATUTUWA kami sa reaksiyon ni Jinkee Pacquiao sa mga bumabatikos sa kanyang mga post sa kanyang social media. Imbes na labanan ang mga basher, dasal at Bible verses ang ibinabato niya sa mga ito.

Bira ng iba, kesyo hindi raw dapat ipinaparangya o idini-display ang mga mamahaling gamit niya habang tayo ay nasa pandemya at naghihirap ang maraming Filipino.

Sa ganang akin, wala na tayong pakialam kung proud si Jinkee sa mga gamit niya lalo na at galing iyon sa pinagpaguran ng asawa ang ipinambili. At ‘yun ay sinusuportahan ng asawa. Tama rin na ipagtanggol siya ni Annabel Rama na isang malapit na kaibigan ni Jinkee at komo pareho silang Bisaya.

Kilala namin si Jinkee noon pa na nag-uumpisa pa lang sa larangan ng boksing si Manny Pacquiao. Nandiyan na rin kami noong dumadaan sila sa krisis ng relasyon nilang mag-asawa. Kamuntik pa nga silang maghiwalay noon at buong pagmamalaki namin siyang pinayuhan na ‘wag makipaghiwalay at isalba ang relasyon alang-alang sa mga anak.

Mabuti na lang at natauhan si Manny at naituwid ang mga pagkakamali niya noon.

Kaya tama ang ginagawa ni Jinkee at laging nasa puso ang Dakilang Lumikha at sana protektahan sila ng nasa Itaas at mailayo sila sa mga taong mapagsamantala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …