Friday , August 22 2025

Duterte binutata ni Duque (Sa face shield expiration)

092921 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

SINOPLA ni Health Secretary Francisco Duque ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi napapaso ang face shield dahil plastic ito.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay bilang pagkontra sa sinabi ng isang dating warehouse staff ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation sa Senate Blue Ribbon Committee na inutusan silang palitan ang expiry date ng face shield na gawing 2021 mula sa 2020 saka inihatid sa Department of Health (DOH).

Inamin ito ng opisyal ng Pharmally na si Krizel Grace Mago, bunsod aniya ng direktiba ni Mohir Dargani, ang treasurer ng kompanya.

Ayon kay Mago, itinuturing niya itong panggagantso sa gobyerno.

“Paano ito mag-expire? Unless abusuhin mo, tapon-tapon mo, pero kung isuot mo lang at ilagay mo ng magandang pagkalagay, paano mag-expire ‘yan?” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi.

“Puwede mag-expire pero it will take 10, 15 years. Mag-expire ‘yan dahil sa scratches. E kung maalagaan mo ‘yan, magtagal ‘yan,” dagdag niya.

Bilang tugon kay Pangulong Duterte, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na ang face shields ay may shelf life na 36 buwan o tatlong taon.

“The DOH has established a shelf life for medical grade face shields. The shelf life is 36 months, according to our Disease Prevention and Control Bureau director Beverly Ho. There is a component of the face shield that has a styrofoam,” sabi ni Duque.

Iniimbestigahan na aniya ng DOH ang isyu at pananagutin ang Pharmally kapag napatunayang totoo ito.

“Batay sa isiniwalat ng empleyado ng Pharmally, akin pong ipinai-inspect muli itong mga face shield at kung totoong may mga pandaraya ito pong ginawa ng Pharmally ay kinakailangang bawiin ng gobyerno sa kompanyang ‘yan ‘yong isang taon na kanilang tinamper… kailangan magkaroon ng restitution sa gobyerno ‘yong halaga ng face shield,” ani Duque.

Muling iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya nayayanig sa imbestigasyon ng Senado sa mga iregularidad sa P12-B medical supplies contract na nasungkit ng Pharmally sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ngunit kahit ikinaila ng Pangulo na wala sa kanyang epekto ang Senate probe, ginawa niyang dalawang beses isang linggo ang dating isang beses kada linggo lamang na Talk to The People at ginugugol ang malaking bahagi sa pagbanat sa mga senador na nag-iimbestiga sa Pharmally deal, pagtatanggol sa mga personalidad na sangkot dito gaya nina dating PS-DBM head Lloyd Christopher Lao, at dating presidential economic adviser Michael Yang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …

Robin Padilla Nadia Montenegro

Bintang itinanggi kasabay ng resignasyon
VAPE NA AMOY UBAS HINDI MARIJUANA ­— NADIA MONTENEGRO

NAGBITIW sa kanyang tungkulin bilang political affairs officer ni Senador Robinhood Padilla ang aktres na …

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …