Friday , November 22 2024
Pharmally, Rodrigo Duterte, Richard Gordon, Krizel Mago, Linconn Ong

Pharmally execs pinipigilan ni Duterte (Sa pagtestigo sa Senado)

KOMBINSIDO si Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon na may mga kumikilos para hadlangan ang patuloy na pagtestigo sa komite ng dalawang opisyal ng  Pharmally Pharmaceutical Corporation at kasama rito si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sino ba ang nagsasabing principal na pinakamalaking tao na tigilan na ang imbestigasyon? Si President Duterte. Kasama siya riyan e, kasama. Hindi maipaliwanag ni Duterte kung bakit n’ya inaawat ito. Hindi ba magtataka ka kasi si Presidente masyadong mataas ang dating, akala niya napaka-powerful niya,” sabi ni Gordon kahapon.

Ang pahayag ay ginawa ni Gordon nang hindi na makontak ng komite si Krizel Grace Mago, ang opisyal ng Pharmally na kinompirmang pinapalitan niya ang expiry date sticker ng face shield sa 2021 mula sa 2020 na ibinenta ng kompanya sa Department of Health (DOH).

Inamin din ni Mago sa pagdinig ng Senado, naniniwala siyang ginantso ng Pharmally ang gobyerno.

Habang ayaw nang tumestigo sa executive session ng Senado si Linconn Ong, opisyal rin ng Pharmally na nagsabing nangutang sila ng puhunan sa dating presidential economic adviser na si Michael Yang.

Batay sa Senate probe, ginamit ni Yang ang pera at impluwensiya para masungkit ng Pharmally ang may P12-bilyong kontrata ng medical supplies sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

Hiwalay pa ito sa overpriced na medical supplies at ang iba’y expired at dispalinghado pa.

        Binalaan ni Gordon si Yang na puwedeng i-deport anomang oras.

Mula magsimula ang isyu ay regular na ipinagtatanggol ni Pangulong Duterte si Yang, mga opisyal ng DOH at PS-DBM, at ang kontrata ng Pharmally, habang binabatikos ang mga senador na nag-iimbestiga. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *