Sunday , December 22 2024
Isko Moreno
Isko Moreno

Yorme Isko — I do not run in promises, i run on prototypes

ni REGGEE BONOAN

PORMAL ng inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang kandidatura niya sa pagka-Pangulo ng Pilipinas nitong Miyerkoles ng umaga sa pamamagitan ng Facebook Live niya na ginanap sa Baseco compound na ngayon ay tinawag ng Tondominium 1 and 2 at may 229 pamilya and still counting ang nakatira.

Isa lang ito sa mga naging proyekto ni Yorme sa ilang taon niyang panunungkulan bilang Ama ng Maynila bago siya aakyat bilang Presidente ng bansa.

Umaga palang ng Martes ay may mga kumalat ng poster na silhouette ng lalaki na may nakalagay na ‘Pilipinas IM Ready. Paparating na siya abangan! Bukod dito ay may video pa na muling ipinakilala ni Isko ang sarili kung paano siya nagsimula hanggang sa narating ang kinalalagyan niya ngayon.

Ang inisyal na IM ay kay Isko Moreno.

Ang viral video ay ipinalabas na rin as paid ad sa TV Patrol na ibinalitang sina Isko at Willie Ong ang magka-tandem base sa pahayag ni Julius Leonen ng Manila City Public Information Office sa mga reporters, ”Yes, it’s true. Isko-Doc Willie 2022.”

At sa talumpati ni Yorme Isko kahapon, ”Buong kababaang loob inihahayag ko sa inyo mga kababayan ko sa darating na Mayo tanggapin n’yo po ang aking aplikasyon bilang Pangulo ng Pilipinas.

“I do not run in promises, I run on prototypes. I may not give you perfect government but together, we can make it better.  Hindi ko po isisisi sa nakaraan ang problemang ating kakaharapin.”

At saka inanunsyo ni Isko ang partner niyang si Doc. Willie Ong.

“Sa mga hamon na ating haharapin may katuwang tayong napili. Maraming lider na walang ginawa kundi saktan tayo, siya naman walang ginawa kundi hilumin tayo.

“Sa panahon ng pandemya siya ang makakasama natin bilang lider na kailangan natin. Maraming sakit ang lipunan na kanser sa pamahalaan na kailangan ng isang manggagamot na sasamahan tayo sa pagbibigay ng reseta ng lunas. Isang doktor na may puso, talino, at oras para sa tao.

“Kaya ikinalulugod kong ipakilala ang aking partner, ang susunod na bise presidente ng Pilipinas, Doctor Willie Ong.

“Magiging epektibo po ako sa buong bansa lalo na sa panahon ng pandemya dahil nakita ko na may pruweba na sa Maynila, ang partner ko rin ay doktora, si Vice Mayor Honey Lacuna. As I’ve told you a while ago, it is based on prototypes.”

At saka isa-isang binanggit ang kasalukuyang problemang kinakaharap ng bansa.

Umabot na sa 557 days’ na naka-quarantine ang Pilipinas, ”but instead of flattening the curve, we have flattened our economy. Yet many people continue to flat lining in our hospital without beds, without doctors, without medicine, and sad even without oxygen.

“Nakalulungkot ang kalagayan ng public health system ng ating bansa, maiintindihan sana natin kung walang pera ang DOH pero ang pondong panlaban sa COVID ibinuro, and budget inimbalsamo.

“Naantala ang pagbili ng mga ventilator at gamot pati ‘yung katiting na P136 daily active duty na hazard allowance sa mga frontliner na buwis buhay, paiyakan at drops pa ang bigayan, binumbay po sila.

“Tampo tuloy ng isang nurse sa galing nilang mangutang pati kami, nautangan, tama rin po ang kanilang silakbo. 

“Bakit pagdating sa face mask na gawa at inilako ng banyaga, express delivery pa! Subalit ang pandemya ng COVID ay nagdudulot din ng epidemya ng gutom na kumikitil din sa buhay natin.

“No work, no pay, no food. Ang mga dating isang kahig, isang tuka ngayon kahig nang kahig walang matuka. ‘Di lang sarado ang maraming pagawaan ang mga negosyo nakakandado, ganoon din ang ating paaralan.

“Ang mga kabataang walang muwang nasiyentahan ng dalawang taong pagkabilanggo sa kanilang tahanan.  Indeed, it is the children who paid dearly for their government’s failures. Maraming tatahiin na suliranin ang susunod na administrasyon. Road to recovery will be hard, the journey long, the challenges complex, the sacrifices required from each of us will be great,” aniya na ilan sa mga problema ng bansa na kailangang ayusin.

Anyway, si Doc Willie ay may mahigit na 16M followers sa Facebook at 6.54M sa YouTube channel nito.

Dati siyang consultant ng Department of Health at sa panahon niya ay nagbabala siya tungkol sa paggamit ng Dengvaxia, anti degue vaccine na pinahinto noong 2017.

Kaya siya kumandidatong senador noong 2019 na base sa panayam niya sa Philippine News Agency ng 2018, ”there is a hole in the Senate” at kailangan siya para maisaayos ang healthcare policy.

Going back to Yorme Isko, ipinagkatiwala niya ang mga naninirahan sa Maynila sa kanyang VM Lacuna na ipagpapatuloy ang kanyang nasimulan at magiging katuwang nito ang kasalukuyang kongresista ng 3rd district ng Manila na si Yul Servo na tatakbong Vice Mayor sa 2022.

About Reggee Bonoan

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *