Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis

Paolo iginiit, 3 days lang siya sa Baguio

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

ITINANGGI ni Paolo Contis ang sinasabing more than three days siyang nasa Baguio City kasama ang aktres na si Yen Santos.

Ito ay base sa text message na ipinadala n’ya sa talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz. Binasa ‘yon ni Ogie sa vlog n’ya na inilabas kahapon, September 12.

Text ni Paolo kay Ogie, ”Ang sabi nila, five days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila.”

Base sa mga larawang inilabas sa social media, August 25 pa lang ay may nakakita na kay Paolo sa isang Ramen restaurant sa Baguio.

Noong August 27 ay lehitimong namataan sina Paolo at Yen sa isang restaurant.

May netizen din kasing nagsabi na September 3 ay nakita pa si Paolo sa Baguio.

Pero ayon sa text niya kay Ogie, August 28 ay nasa Maynila na siya para um-attend sa kanyang showbiz commitments.

Patuloy ni Paolo, ”Paano mangyayari iyon? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng ‘Bubble Gang.’ September 3, nag-taping ako ng ‘Dear Uge.’

“So ano iyon, inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio? Ano ito, road trip every other day?”

Sinabi rin ni Paolo na sana ay mag-post naman daw ang mga nagpa-picture sa kanya noong nagpabakuna siya noong August 28.

Hinaing niya: ”Bakit walang nag-post? Hahaha. Now is the best time, i-post niyo iyon dahil pinagbibintangan akong lima o 10 araw sa Baguio. Sayang, walang CCTV noong nagpabakuna ako.”

Sa statement naman na ipinost ni Paolo tungkol sa hiwalayan nila ng longtime partner na si LJ Reyes, sinabi niyang tatlong araw siyang nanatili sa Baguio pagkatapos lumipad ni LJ papuntang United States. Ito raw ay para makapag-isip-isip.

Niyaya raw niyang sumama si Yen “as a friend” at idinenay niyang ang leading lady sa A Faraway Land ang third party sa hiwalayan nila ni LJ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …