FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
NABABASA kaya ni Health Secretary Francisco Duque ang panawagan sa kanya ng netizens na magbitiw na sa kanyang tungkulin dahil pataas ng pataas ang kaso ng COVID 19?
Maging ang ilang senador ay sinabihan na rin siyang bumaba na sa puwesto pero walang nangyari dahil hindi naman siya tinatanggal ni Presidente Rodrigo R. Duterte.
Kamakailan ay sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na marami na ang nangamatay dahil sa kakulangan ng gamot at hindi na siya nakapagpigil at nakapagsalita siya kay Sec. Duque.
“Pinipigilan ko ang damdamin ko kasi ayaw ko ng away. Kasi ang away walang mabuting idudulot pero ang hirap kausap ng bingi.
“Wala kasi silang idea, sila namumuhay sa Disneyland hindi na sa reality, nangangamatay ang tao, Brod (Sec. Duque)!” ito ang sabi ni Yorme Isko dahil sa kakulangan ng gamot na Remdesivir at Tocilizumab.
At dito na hiniling ni Mayor Isko na sana tanggalin na ni PRRD ang mga taong walang malasakit sa kapwa.
“Gusto ninyo lumuhod pa ako, Mr. President (Rodrigo Duterte) nanaNAwagan ako na tanggalin ninyo ang mga taong walang malasakit sa kapwa niya,” saad nito.
Isa rin si Angel Locsin sa nanawagan na kailangan ng lisanin na ni Duque ang puwesto niya.
“I think it’s really timely. Kailangan ng peace of mind ng mga tao. I’m going to answer that not because inaakusahan ko ‘yung tao. Walang ganoon.
“Magiging objective lang tayo. Kasi ako rin naman naakusahan publicly na without going through due process. So, hindi magandang pakiramdam ‘yun,” bungad paliwanag ni ‘Gel sa panayam niya kay Boy Abunda.
Hypothetical question ang ibinato kay Angel sakaling siya ang presidente ng Pilipinas kung tatanggalin ba niya si Duque?
“Kung magiging objective lang tayo rito, walang kung ano man ‘yung nararamdaman ko, nararamdaman niyo, tanggalin niyo.
“Kung ano lang ‘yung kailangan natin I would say kung ako ‘yung presidente ng Pilipinas, yes I will fire Secretary Duque.
“Not because naniniwala ako he is corrupt. Wala po sa ganoon, but because ‘yung pag-e-explain lang sa mga tao na rito napunta ‘yung tax natin na binabayaran.
“I think kakain na ‘yun ng oras. Isa sa mga magandang ibigay sana ng gobyerno natin ngayon eh ‘yung peace of mind ng mga tao. At hope na bukas paggising natin may magandang mangyayari.
“So, para gawin ‘yun, kakain ng napakaraming oras para ma-explain ‘yung sarili niya. Sino ngayon ang tututok sa pandemic response na kailangan din nating tutukan. Because ito rin ‘yung number one kalaban natin, di ba?” paliwanag mabuti ni Mrs. Neil Arce.
Pero gusto rin niyang bigyan ng tsansa na linisin ng kalihim ang pangalan niya.
“So kawawa naman siya masyado kung sabay niyang tututukan. So ‘yun ang nasa isip ko lang. That’s my opinion. Para ma-pacify ang mga tao, bigyan ng time ‘to para masagot. Bigyan ‘to ng proper evidence, facts, clear niya ‘yung pangalan niya. Ito naman may magpapatakbo to pacify the health workers na pagod na pagod din ngayon,” say pa nito.