Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz, DepEd
Ogie Diaz, DepEd

Ogie niratratan ang DepEd — ‘Wag kayong pabida

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI pabor si Ogie Diaz sa mungkahi ng Department of Education (DepEd) na subukang mag-face-to-face na ang pag-aaral ng mga kindergarten hanggang Grade 3. If ever, tatlong oras lamang ang klase.

Post ni Ogie sa kanyang  Facebook account (published as it is),”Sino ba ang ayaw, di ba? Pero wag kayong pabida. Ipahinga nyo yang idea na yan.

“Wag nyong gawing guinea pig ang mga bata para i-try kung mananatiling negative habang nasa klase.

“Di rin naman siraulo mga parents para isugal ang buhay ng mga anak nila. Mula kinder hanggang grade 3? So ano ang unang ituturo ng mga guro?

“Kung paano manatiling safe during pandemic? Na i-maintain ang social distancing among them?

“Mga bata yan, imposibleng di magdidikitan ang mga yan, lalo na kung na-miss nila ang isa’t isa.

“Sa brilliant idea nyo na yan, sa palagay nyo, aabot sa Grade 4 ang mga bata kung isasapalaran nyo ang buhay nila?

“Ni-lockdown nga ninyo at nawala ang face-to-face classes nung mababa pa lang ang bilang ng mga kaso nung March 2020, tapos, feeling nyo, safe na siya ngayong nagbe-beinte mil ang kaso ARAW-ARAW?

“Ano feeling nyo? Mas matibay ang immune system ng mga bata kesa matatanda ngayong mataas ang kaso?

“Asan ang logic doon? Ituturo din ba ang logic sa kinder hanggang grade 3?”

May point naman si Ogie, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins patuloy na pinipilahan

NASA ikalawang linggo na sa mga sinehan ang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins at patuloy itong …

GMA Pictures

GMA Pictures ratsada ngayong 2026

I-FLEXni Jun Nardo RATSADA this year ang GMA Pictures at hindi lang ang GMA Network, huh. Una sa …

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …