Saturday , July 27 2024
Paolo Contis, LJ Reyes, Ogie Diaz
Paolo Contis, LJ Reyes, Ogie Diaz

Ogie naniniwalang hiwalay na sina Paolo at LJ

MA at PA
ni Rommel Placente

NANINIWALA si Ogie Diaz na totoo ang mga lumalabas na balita na hiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes. Sinubukan niya kasing tawagan at i-text si Paolo para makuha ang panig nito tungkol sa isyu sa kanila ng aktres, pero hindi nito sinasagot ang tawag. 

Sabi ni Ogie sa kanyang vlog, ”’Yang ganyan na hindi ako sinasagot ni Paolo, tinatanong ko siya ‘huy! totoo bang wala na kayo?’ Hindi siya sumasagot, feeling ko totoo.  

“’Pag may ibang hanash, naka-text agad sa akin eh, ngayon hindi!

“‘Pag hindi totoo ‘yung akusasyon, nakasagot agad ‘yan. So, feeling ko, that answer my question.”

So, totoo ngang hiwalay na sina Paolo at LJ.  ‘Yun ang pakiramdam ni Ogie.  Hindi nga kasi nag-reply si Paolo sa tanong niya kung wala na sila ni LJ. 

Kung may relasyon pa sina Paolo at  LJ, siguradong magri-reply ang aktor kay Ogie at sasabihing hindi totoo ang balita, ‘di ba? At may kasabihan tayo na, ‘silence means yes.’

About Rommel Placente

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *