Friday , November 22 2024
National Electrification Administration,NEA, Elections, Money

Electric cooperatives gatasan sa eleksiyon

GINAGAMIT na gatasan ang electric cooperatives ng mga opisyal na nais maluklok sa Kongreso.

Ibinunyag ito ni Atty. Ana Marie Rafael, bagong talagang general manager ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) sa virtual Palace briefing kahapon.

Si Rafael ay hinirang na bagong BENECO GM ng National Electrification Administration (NEA) ngunit tinututulan ng ilang BENECO Board of Directors kahit dumaan at pumasa siya sa masalimuot na selection process ng ahensiya.

“And I hope po na dito sa experience ko po na ito, mabuksan na po lahat ang mga bakanteng posisyon na general manager sa lahat ng electric cooperatives sa Filipinas and they should be undergoing the same process that I have gone through. At gusto nating mas lumiwanag po ang ating mga electric cooperatives para po hindi ginagawang milking cow po ng ibang mga opisyales po para makatakbo po sila sa mga posisyon po sa Kongreso,” sabi ni Rafael.

Nanawagan si Rafael sa member-consumers ng lahat ng electric cooperatives (ECs) sa buong bansa na busisiin ang DSM o Demand Side Management na nakalagay sa binabayaran nilang bill dahil dito kinukuha ng ECs ang ibinibigay na kontribusyon sa mga partylist gaya ng PHILRECA.

“At mga member-consumers po natin, tingnan po ninyo iyong inyong mga binabayaran na bill at baka diyan po sa DSM po nandiyan po iyong mga contributions po na ibinibigay po ng mga electric cooperatives sa mga partylist po gaya ng PHILRECA.”

Ikakampanya rin ni Rafael sa lahat ng ECs na tigilan ang pagbibigay ng pondo sa partylist groups kasabay ng pagtiyak na hindi magagamit ang BENECO para sa 2022 elections.

“Sisiguraduhin ko po na hindi na magagamit po ang BENECO at sana po hindi na rin magamit po ang ibang mga electric cooperatives para sa 2022 elections po,” ani Rafael.

Naniniwala si Rafael na ang pagtutol ng BENECO Board of Directors sa kanyang pag-upo bilang bagong GM ay bunsod ng hirit niya para sa official audit report mula sa NEA upang malaman ang katayuang pinansiyal ng kooperatiba.

Nabisto umano noong nakaraang taon ang maraming loans at kahit hindi inaprobahan ng NEA ay ginagastos pa rin ng board of directors at ibang mga opisyal ng BENECO.

Kinatigan ng Palasyo ang pagtalaga kay Rafael bilang GM ng BENECO at nanawagan si Presidential Spokesman Harry Roque sa power bloc ng Kamara na irespeto ang appointment niya bilang desisyon ng sangay ng ehekutibo at walang hurisdiksyon ang lehislatura makaraang maglabas ng resolusyon na kumontra sa paghirang ng NEA.

        “You can exercise oversight functions pero ang appointment po is an executive decision. Respetohan po tayo ng hurisdiksiyon,” ani Roque. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *