Sunday , November 17 2024

338 Pinoys sinundo ng Cebu Pac sa UAE (Sa pamamagitan ng Bayanihan flight)

INIUWI sa bansa ng Cebu Pacific nitong Miyerkoles, 1 Setyembre ang 338 Pinoys mula Dubai, bilang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan na mapauwi ang mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan habang umiiral ang travel ban.

Isinagawa ang ika-anim na special commercial flight o Bayanihan flight katuwang ang special working group ng pamahalaan.

Matatandaang itinaas ng pamahalaan ang travel ban patungong UAE noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.

Bukod sa upgrade sa meal at baggage allowance, nakatanggap rin ang mga pasahero sa naturang flight ng gift pack mula sa Universal Robina Corporation (URC).

Kinakailangang sumunod ang mga pasahero sa mahigpit na guidelines na ipinatutupad, negatibong resulta ng RT-PCR test na ginawa 48 oras bago ang oras ng biyahe; pre-booked 15-day/14-night reservation para sa quarantine sa accredited facility pagdating sa bansa.

Sasailalim sa panibagong swab test ang returning overseas Filipino (ROF) pitong araw mula sa pagdating sa Filipinas.

Sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga gastusin sa quarantine at testing ng land-based OFWs; habang ang Philippine Port Authority (PPA) ang sasagot sa gastusin ng sea-based OFWs.

Samantala, sasagutin ng non-OFW ang kanilang quarantine accommodation at testing.

Nakipag-ugnayan ang Cebu Pacific sa mga hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ) upang matiyak na tama at naaayon ang mga pasilidad para sa mga pasaherong sakay ng Bayanihang flight.

Ang mga accredited hotel para sa flight na ito ay: Savoy Hotel Manila, Manila Diamond Hotel, Sheraton Hotel Resorts World Manila, Go Hotels Timog, at Go Hotels Ortigas.

Itinakda ang susunod na special commercial flight sa Sabado, 4 Setyembre,  at ang mga accredited hotel para rito ay: Axiaa Hotel, Go Hotels North Edsa, Go Hotels Timog, Manila Diamond Hotel, at Marriott Hotel.

Ipadadala sa on-OFWs sa pamamagitan ng e-mail kung saang hotel sila maaaring mag-book, kasama ng iba pang paalala sa kanilang biyahe.

“We are happy to continue safely bringing home our fellow Filipinos while the travel restrictions are still in effect. We look forward to serving more kababayans on our Bayanihan flights this month,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific

Simula noong Hulyo, naiuwi ng Cebu Pacific ang mahigit 1,800 Filipino mula sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng special commercial flights, habang mahigit 1,700 Filipino mula Oman, Dubai, India, at Vietnam ang nasundo na pauwi ng bansa sa pamamagitan ng mga repatriation flight na inorganisa ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *