INUPUAN, umano, ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force Against CoVid-19 ang halos 300 aplikasyon ng mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at constituents.
Ayon kay AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin, matagal nang naisumite ng mga LGU at pribadong kompanya ang tinatawag na Multi-party Agreements (MPAs) sa NTF ngunit hindi ito inaksiyonan.
Sa resolusyon (HR 2154) na isinumite ni Garin, sinabi nitong 13.049 milyones pa lamang ang “fully vaccinated” habang ang 53.911 milyones ang hindi pa nakatatangap ng “first dose.”
Aniya 70.851 milyones na Filipino ang dapat mabakunahan.
“…there have been reports that these MPAs submitted by the LGUs and private sector have been left unsigned and are languishing in the NTF, directly affecting the speedy vaccine roll-out in the country,” ayon kay Garin.
Binatikos ni Garin si Vaccine Czar Sec. Carlito Galves na, umano’y, nag-ikot sa iba-ibang “media platforms” upang hikayatin ang mga LGU na huwag nang
mag-pply ng MPA.
“There is a need for more transparency and more government information as to the allocation and coverage of the CoVid-19 vaccination roll-out, particularly in the provinces and in rural areas,” ani Garin.
Dahil dito, inatasan ni Garin ang kanyang komite – House Committee on Economic Affairs – na imbestigahan ito. (GERRY BALDO)