Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rico Blanco Hidilyn Diaz Ted Failon
Rico Blanco Hidilyn Diaz Ted Failon

Rico ginawan ng kanta si Hidilyn (Ted nagbirong bibigyan ng P2K si Hidilyn)

BONGGA si Hidilyn Diaz dahil muling nag-record si Rico Blanco ng acoustic version ng Alab ng Puso, para idedicate sa kanya. Ang Alab ng Puso ay dating kanta ng Rivermaya, na dating grupo na kinabibiangan ni Rico.

Na-inspire si Rico sa pagkapanalo ni Hidilyn ng gold medal sa weightlifting competition sa Tokyo 2020 Olympics, kaya ginawan nga niya ito ng kanta.

Sabi ni Rico sa kanyang Youtube channel, hindi siya makapaniwala na  may gintong medalya na ang Pilipinas sa Olympics. Ang pagmamahal kasi niya sa sports ay katumbas o minsan ay higit pa sa  pagmamahal niya sa musika. Mula raw noong bata pa siya, ay iniiisp niya kung kailan makakukuha ng gold ang ating bansa sa Olympics, at natutuwa siya na nangyari na ito.

“Sa mga balikat ni Sgt. Hidilyn Diaz, binuhat niya ang mga pangarap ng bawat Filipinong katulad ko,” sabi ng dating lead vocalist ng Rivermaya ukol kay Hidilyn.

TED NAGBIRONG BIBIGYAN NG P2K SI HIDILYN

NATAWA kami nang mapakinggan namin na nagbibiruan sina Ted Failon at DJ Chacha sa radio program nila tungkol kay Hidilyn Diaz.

Sabi ni Ted, bibigyan niya raw si Hidilyn ng P2,000 bilang premyo sa pagiging gold medalist nito sa Olympics. Kaya lang, baka hindi ito pansinin ni Hidilyn. 

Sabi naman ni DJ Chacha, pagkarinig ng sinabi ni Ted, ay baka ibalik pa  ’yun ni Hidilyn kay Ted at ito pa ang magbigay sa kanya ng P2,000.

Parang pinalalabas ni DJ Chacha na balewala na lang ang P2,000 kay Hidilyn dahil ang mga premyong ibinigay dito bilang incentives ay condo unit at milyon-milyong pera.

Pero P2,000 is P2,000. Pera na rin ‘yung kung tutuusin, ‘di ba?

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …