Wednesday , December 11 2024
Nesthy Petecio Sena Irie
Niyakap ng Pinay boxer Nesthy Petecio ang katunggaling si Sena Irie (naka-blue) matapos talunin ng Hapones sa kanilang women’s feather (54-57kg) boxing final bout sa Tokyo 2020 Olympic Games sa Kokugikan Arena sa Tokyo. (Larawan mula sa YouTube)

Petecio, talunan man ay sumikat pa rin sa Olimpiyada

Kinalap ni Tracy Cabrera

TOKYO, JAPAN — Bumagsak man bilang second best sa pagkakasungkit ng Olympic silver medal ang pambato ng Pilipinas matapos talunin siya ni Sena Irie ng Japan sa finals ng women’s featherweight event sa Ryōgoku Sumo Hall o Kokugikan Arena sa Yokoami neighborhood ng Sumida sa lungsod ng Tokyo, hindi nawala ng ningning ang ginawang pagpupursigi ni Nesthy Petecio laban sa kanyang batikang katunggali.

Subalit nabigo si Irie—na ang palayaw na Irie-wani ay nangangahulugan  ng ‘saltwater crocodile’ o buwaya sa Nipongo—na pabagsakin ang Pinay at umani lamang ng unanimous decision victory sa iskor na binigay ng apat na hurado na 29-28 habang ang isa pang opisyal ay pinaburan ang Haponesa sa talang 30-27.

Gayun man, hinirang ng mga fight fans at Olympic spectators ang laban bilang magiting na pagbubunyi sa espiritu ng Pinay sa pagk ak asungkit ni Petecio ng kauna-unahang medalya para sa boxing simula nang manalo si Mansueto Velasco ng runner-up finish sa Atlanta Games noong 1992.

Sa kabila ng pagkatalo, nanatiling dakila si Petecio sa pag-alay niya sa kanyang nagawa—na naglagay sa kanya bilang kauna-unahan ding Pinay boxer na nagkaroon  ng medalya sa Olimpiyada—para sa kanyang team at s a sambayanang Pilipino

“It means a lot to me because I dedicate this fight for my family, country and my best friend who died. I dedicate this medal to my coaches, esp. Nolito Velasco. He sacrificed a lot for this competition,” wika ng 29-anyos na mula sa Davao del Sur.

“This is an important tournament, not for me but for my country and coaches,” kanyang idinagdag.

Sa pagtungo niya sa finals, nagpakita ng kakaibang tapang si Petecio at pinat unayan  niya ang husay ng mga Pinoy sa pagpapabag sak sa malalakas niyang kalaban  tulad nina Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei at European champion Irma Testa.

About hataw tabloid

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *