Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montes Target shooting
Julia Montes Target shooting

Target shooting ni Julia hinangaan ng netizens

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang natuwa, isa na kami, sa balitang isasama na sa FPJ’s Ang Probinsyano si Julia Montes. Matagal na rin naman kasing request ito ng fans ng dalawa.

Kaya nga noong unang mabalitang magsasama sa isang pelikula ang Coco-Juls marami na ang na-excite. At nadagdagan pa ang excitement ng netizens nang i-announce ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN na papasok na nga si Julia sa action serye ni Coco.

Sa pagpasok ni Julia sa Ang Probinsyano, siya na ang bagong leading lady ni Coco.

Kasabay ng announcement ay ang paglalabas ng mga picture ng aktres sa isinagawang story conference at pictorial na ginanap noong Biyernes (Hulyo 30) sa ABS-CBN.

Ito ang magsisilbing TV reunion project nina Julia at Coco pagkatapos ng ilang taong panawagan ng fans na pagtambalin silang muli kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan noong 2012.

Bukod kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.

Samantala, pinahanga ng aktres ang netizens sa galing niya sa target shooting. Sa Instagram, isang video ang ibinahagi ni Montes na kita ang pagsabak niya sa firing range.

Mayroong caption na, “Never mess with the woman whose aim is better than her temper,” ang video post.

Nasa 789,674 views na ang video post ni Julia habang isinusulat namin  ito at may 2,070 komento na halos lahat ay papuri sa galing ni Julia sa pagbaril.

Umani rin ng 3M views (and counting) ang CocoJul The Online Exclusive ng dalawa na napapanood sa Facebook pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN, at Youtube Channel ng ABS-CBN.

Sa kabilang banda, sa ikaanim na taon ng serye ngayong Setyembre, dadaan sa mas matitinding pagsubok si Cardo (Coco) at ang Task Force Agila sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa bayan.

Nananatiling matibay ang pagsasama ng FPJ’s Ang Probinsyano at mga Filipino, mula sa pangunguna nito sa telebisyon hanggang sa online.

Patuloy na kinakapitan ang saya, aksiyon, at mahahalagang aral ni Cardo sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, na sunod-sunod na sinira ng programa ang sariling record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonoood. Noong 2020, ang FPJ’s Ang Probinsyano rin ang naging kauna-unahang Pinoy teleserye na ini-livestream sa naturang video-streaming site.

Patuloy ring pina­nonood ang pakikipagsapalaran ni Cardo hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo sa pamamagitian ng The Filipino Channel, Netflix, at pagpapalabas sa Myanmar, Laos, Vietnam, Thailand, at 41 bansa sa Africa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …