Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Ralph Recto
Vilma Santos Ralph Recto

Sen. Ralph at Ate Vi palit-puwesto

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

PLANO palang tumakbo ni Senator Ralph Recto sa Congress at si Congw. Vilma Santos-Recto ay nagpakita rin daw ng interes na tumakbo sa senado.

Nabanggit ito ng senador sa panayam niya sa ABS-CBN new channel, ”We’ve been discussing it if she wants to run for the Senate. That’s a possibility, she may run for the Senate. I might take her place in the House as well.

“We’re watching developments, maybe in the next, within a month and a half or two months, we’ll decide on that. We’ve begun discussing it.”

Nagbigay naman ng opinyon tungkol dito ang kilalang talent manager at isa sa host ng FB Live na Take it Per Minuteme Ganun na si Lolit Solis na ipinost niya sa kanyang Instagram.

“Ang galing naman na magpapalit puwesto pala sa darating na eleksiyon sila Ralph Recto at Vilma Santos, Salve.

“Tutoo pala iyon una natin nasagap na balita na sa Senado na tatakbo si Vilma Santos at sa Congress naman si Ralph Recto. Suwerte talaga ng Batangas dahil tutok sa progress ng bayan ang mag asawang Recto.

“Talagang mula ng pumasok sa pulitika si Ate Vi hindi na niya ito maiwan, napamahal na sa kanya, nasanay na siya at nagustuhan na niya ang public service.

“Ang masarap kay Vilma Santos, iyon linya niya sa showbiz hindi niya pinutol. Ganuon pa rin niya kamahal ang lahat ng nakasama niya sa industriya, kaya naman lahat sa showbiz mahal na mahal siya at natutuwa sa tagumpay niya sa bago niyang mundo, ang politics. Magandang addition sa Senado si Ate Vi, bongga siya duon. Tiyak with open arms na tatanggapin siya ng mga daratnan niyang Senador, Sen Vilma Santos, welcome!

Fighting! #classiclolita  #takeitperminutemeganun #74naako.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …