MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT sa gitna ng kanyang pagho-host sa It’s Showtime, isiningit pa rin ni Vice Ganda ang pagpapaalala na magparehistro para makaboto sa 2022 elections.
Sa gitna ng kanilang segment na Tawag ng Tanghalan, isiningit ni Vice ang isang maikling mensahe, lalo na sa mga ‘woke’ o ‘yung mahilig magreklamo sa gobyerno sa social media.
Paalala ni Vice, magparehistro na ang mga puwedeng bumoto dahil napakahalaga nito.
Aniya pa, hindi puwedeng chika lang nang chika at woke woke-an sa Twitter.
Sinuportahan naman ng kanyang co-host na si Karylle ang pahayag na ito ni Vice sa pagsesegunda na dapat nang magparehistro ang mga netizen upang makaboto sa 2022 elections.
Well, hindi kaya ang dahilan kung bakit atat sina Vice at Karylle na magparehistro na ang mga tao, ay para hikayatin din nila ang mga ito, na huwag iboto ang mga congressman na bumoto ng no, na bigyan muli ng prangkisa ang Kapamilya Network?
Ganoon nga kaya ‘yun?
Pero, dapat lang namang huwag iboto ang mga ‘yun, kasi dahil sa kanila, ay maraming nawalan ng trabaho, ‘di ba?