Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erich Gonzales La Vida Lena Magda
Erich Gonzales La Vida Lena Magda

Erich deadma sa nambu-bully dahil kina Marga at Lena

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NATUTUNAN ni Erich Gonzales sa kanyang karakter sa teleseryeng La Vida Lena bilang Marga at Lena ang hindi magpa-apekto sa mga nambu-bully lalo’t wala namang magandang maidudulot sa pagkatao niya.

Kaya sa mga gustong mam-bully sa aktres, ‘wag siya’ dahil magsasawa lang kayo.

“One thing na hindi ko makakalimutan, ‘yung sinabi ni Magda na noong tini-tease siya at binu-bully siya sinabi niya na hindi naman sila nagma-matter sa kanya, so, hindi importante ‘yung opinion nila.

“I guess it’s human nature, I feel like everyone talks talaga. Kumbaga nasa sa ‘yo lang ‘yan kung magpapa-apekto ka ba or kung ano ‘yung gagawin mo. Kumbaga ‘yung perspective, ganoon lang,” katwiran ni Erich.

Nabanggit ding relatable sa lahat ang La Vida Lena.

“Maraming lessons talaga silang matututunan from ‘La Vida Lena’ and I feel like ‘yung kuwento is very relatable.

“Iba rin kasi talaga ‘yung pagmamahal, eh, kasi hindi lang para sa pamilya, pati sa sarili. Kasi lahat tayo mayroon tayo niyon, kumbaga innate na ‘yun sa atin,” sabi pa nito.

Ang La Vida Lena ay napapanood ngayon sa A2Z, TV5, Kapamilya online channel at iWantTFC handog ng Dreamscape Entertainments.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …