Thursday , August 18 2022

Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula

ILANG pelikula na rin ang nagawa ng Cineko Productions. Ikatlo na yata itong ipinalalabas ngayong The Significant Other na pinag-uusapan dahil sa husay ng mga bidang sina Lovie Poe, Erich Gonzales, at Tom Rodriguez. Pati na ang direksiyon ni Joel Lamangan at shots ng DOP (director of Photography) na si Rain Yamzon II. Pero kabado pa rin ang isa sa producers nito na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan.

Nang makausap namin si Mayor Patrick sa presscon ng The Significant Other, ang tanong niya sa akin eh, kung tutuloy-tuluyin pa ba nila ang pagpo-produce? May kasunod na kasi ang The Significant… ang sequel nga sa Mang Kepweng ni Vhong Navarro.

Ang sabi ko, malamang na panalo ang The Significant… dahil ibang genre naman ito. At bongga naman ang cast, pati direktor.

True enough. P4.3-M agad ito sa first day of showing. Kaya maganda na ang ngiti ni Mayor Patrick sa turn out at reaction ng tao sa premiere night ito.

On the homefront, say naman ni Mayor Patrick na friends pa rin sila ng ex na si Ara Mina. Dahil madalas naman niyang nakakasama ang anak nilang si Amanda. At hindi naman naaapektuhan ang pagiging ama niya sa bata.

Sino nga ba ang ayaw na sila pa rin ang magkabalikan ni Ara sa dulo?

Now, expect more movies from Cineko Productions. Naramdaman na ni Mayor Patrick ang panalo!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Tiffany Grey Len Carrillo

Tiffany Grey, thankful sa manager na si Len Carrillo sa magandang takbo ng career

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tiffany Grey na ang katatapos nilang pelikula titledMy …

LJ Ramos

Kahit katunog ng kay LJ Reyes
LJ RAMOS ‘DI PAPALITAN ANG SCREEN NAME 

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI papalitan ni LJ Ramos ang screen name niya kahit katunog ito ng …

Precious Lara Quigaman

Lara sa best part ng pagiging ina at asawa — Everything!

RATED Rni Rommel Gonzales MASUWERTE ang beauty queen-turned-actress na si Precious Lara Quigaman dahil isa siya sa …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Direk natanso ng kinababaliwang bagets

ni Ed de Leon HALOS mabaliw si direk nang mapanood niya ang isang video ng isang bagets na kinabaliwan …

Mark Herras Nicole Donesa Mark Fernando

Mark ipinagpatayo ng bahay ang kanyang mag-ina

HATAWANni Ed de Leon TINGNAN ninyo ang buhay, noong nakaraang taon lamang ay naging kontrobersiyal …

Leave a Reply