THANKFUL kapwa sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros na sila ang napiling maging hosts ng bagong reality talent show ng Kapatid Network at TNT, ang PoPinoy
Kasunod nito ang pag-amin ni Maine na hindi niya inakalang darating ang araw na mapapanood siya sa TV5 dahil sa Eat Bulaga lang siya ng GMA 7 talaga nagsimula at napapanood.
Kuwento ni Maine sa virtual media conference noong Miyerkoles ng hapon, ”Masaya talaga ako noong i-offer sa akin ito kasi iba siya, eh. Parang ibang environment. And para sa dinami-dami ng hosts, ‘di ba, parang tayo ang napili, nakatutuwa.”
Hindi naman itinanggi ng GF ni Arjo Atayde na may pressure sa kanila ni Paolo ang pagho-host ng PoPinoy dahil silang dalawa lang ang nakatoka ‘di tulad ng sa EB na marami-rami sila.
“May pressure rin ng kaunti kasi parang kailangan naming mag-step-up kasi dalawa lang kaming hosts dito unlike sa ‘Eat Bulaga’ na medyo marami kami,” sambit pa ng dalaga.
“Parang bakit, bakit natin kailangang gawin ‘to ngayon sa panahon natin?” naitanong naman ni Paolo. “But then again, bilang mga host sa ‘Eat Bulaga’ na talagang nag-uumapaw ‘yung talent ng mga Pinoy na parang bakit mo sasayangin ‘yung mga talent ng mga Pinoy kung hindi mo ipakikita?” paliwanag pa ni Paolo.
At kahit pala parang sanay na sanay na sa pagho-host si Maine, may takot pa rin ito. Aniya, may stage freight pa rin siya kahit ilang taon na siya sa EB.
Kaya nga sobrang kinakabahan siya rito sa PoPinoy. ”Kahit everyday na kami nagbu-‘Bulaga,’ every time na mag-step ako sa stage, talagang hindi pa rin nawawala ‘yung kaba. Parang first time siya ulit sa akin and parang hindi ko alam kung pano ‘yun gawin.
“Pero siguro, it depends on the people you’re working with, parang they’re making the setting comfortable for you. Roon mo na rin nailalabas and doon na rin slowly na nagagawa mo ‘yung trabaho mo.
“So, ayun, hindi siya talaga mawawala for me. It takes time. Ngayon kinakabahan ako. Hanggang ngayon, problema siya sa akin. Hindi ko alam kung paano i-handle ‘yung kaba kapag nasa stage, pero parang nagagawa ko naman, parang I’m getting by,” sambit pa ni Maine.
Bukod kina Maine at Paolo, makakasama naman nila sina Jay R, Kayla Rivera, DJ Loonyo, at Maja Salvador bilang mga PoPinoy Headhunters o judges.
Ani Maja magagamit niya sa talent show na ito ang pagiging talent manager niya. May talent management na kasi si Maja, ang Crown Artist Management na inumpisahan niya nang iwan at umalis na sa bakuran ng ABS-CBN.
“Mas uunahin lang ‘yung pagiging headhunter pa rin,” nakangiting katwiran nito. ”Kailangan kaming apat mag-agree sa mga nag-audition. Kung may isa sa amin ang hindi mag-agree, rerespetuhin namin iyon.”
Aminado ang apat na Headhuntes na malaking challenge sa kanila na makatuklas ng bagong P-Pop group gaya ng sikat ngayong all-male group na SB19.
Mapapanood ang primer ng PoPinoy sa June 6, Sunday, 8:00 p.m. sa TV5 at ang premiere naman nito ay June 13, Sunday, 7:00 p.m.. Eere rin ito Colours sa Cignal ch. 202 HD and 60 SD on Sundays at 9:30 p.m..
Sa kabilang banda, ka-partner dito ng TV5 ang TNT.
“Through our partnership with TV5, we aim to give our talented artists a platform to shine and fulfill their dreams while celebrating our original and rapidly-evolving Pinoy Pop music,” ani Jane J. Basas, SVP at Head of Consumer Wireless Business at Smart.
Sinabi naman ni Cignal and TV5 President and CEO Robert P. Galang, ”We are very happy and proud to share PoPinoy with everyone. It is the result of the collaboration of many brilliant and creative minds from TV5, Cignal, Archangel Media, and TNT. We are thrilled about this partnership as it will showcase world-class Filipino talent here and abroad.”
Ilulunsad din ng TNT ang isang online show, ang TNT POP Show na ang host ay ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren Espanto na magtatampok sa mga PoPinoy content tulad ng behind-the-scenes, interesting stories ng mga aspirant, fun games at iba pa.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio