Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robi Domingo Yassi Pressman
Robi Domingo Yassi Pressman

Yassi nagpa-rescue kay Robi sa pagho-host

HANDPICKED mismo si Yassi Pressman para mag-host ng Rolling In It Philippine version ng number one game show sa United Kingdom na nagsimula noong Agosto 8, 2020.

Bagamat paos na humarap si Yassi sa isinagawang virtual mediacon dahil na rin sa paulit-ulit na pagsasanay sa pagho-host, noong Martes ng umaga para sa Rolling In It Philippines, inamin niyang hindi siya nakapag-workshop (host) dahil kapos sa oras.

Kuwento ni Yassi sa kanyang show, dinalasan na lang nila ang kanilang rehearsals at paulit-ulit niyang binabasa ang script para mas masanay.

Sinabi pa ni Yassi na may mahigpit ding bilin sa kanya ang management ng Rolling In It Philippines, ito ay kailangan niyang sundin ang script kahit na may mga adlib pa siya.

Sambit pa ni Yassi, humingi siya ng advise kay Robi Domingo para maging maayos ang kanyang pagho-host

“Si Robi (Domingo) po, binigyan niya ako ng napakaraming pointers like sabi niya, ‘just be yourself, just have fun,’ mayroon pa siyang mga nakatatawang sabi pero hindi ko na po ikukuwento. Thank you Robi,” dagdag pa ng dalaga.

Ang Rolling In It Philippines ay magsisimula na sa Hunyo 5 (Sabado), 7:00 p.m. at mapapanood din sa Sari-Sari tuwing Linggo, 8:00 p.m. simula sa Hunyo 6 handog ng Cignal TV CH. 3, SatLite CH. 30, at mayroon din sa Cignal Play App na puwedeng ma-download ng libre para sa Android at iOS users.

Ito ay ipinrodyus pa rin ng VIVA Entertainment na ang mga magiging contestants weekly ay may pagkakataon na magwagi ng P2,000,000.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …