Monday , November 29 2021
Acer Day Concert Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, SB19
Acer Day Concert Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, SB19

Acer Day concert nina Sarah, KathNiel, at SB19 matagumpay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGUMPAY ang isinagawang Acer Day Concert na pinangunahan nina Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at ng SB19 bilang parte ng Acer Day 2021 celebration na telecast virtually for free across 10 regions na namigay sila ng rewards, promotions, at gifts sa mga consumer at Acer fans.

Kaugnay nito, nag-trending pa ng limang beses ang ilang topics sa Acer Day celebration sa Twitter at nag-No. 1 ang hashtag na #SB19ForAcer!

Kasama ring nagpasaya ang mga international artist na sina Taiwanese singer, songwriter, at record producer, GBOYSWAG; Malaysian singer-songwriter Aina Abdul; Thai artist Earth Patravee; Indonesian pop heartthrob Prince; at ang Vietnamese rapper-songwriter, VP Ba Vuong.

Ang concert na ang host ay si Robi Domingo ay may temang Live Your World, na siya ring title ng anthem na inawit ni Sarah at ng lima pang international artists.

“We are very proud of Sarah, Kathryn, Daniel, and SB19 because they truly represent the new generation of Filipino artists who can captivate audiences and transcend barriers online as well as they can on a stage with a live audience in front of them. This is the message of Acer Day 2021, that no one can be constrained by the challenges we are facing right now,” ani Manuel Wong, General Manager ng Acer Philippines.

“The theme ‘Live Your World’ was chosen because it draws inspiration from the belief that all of us can make the best of any situation and continue to live our lives, no matter where we are and what constraints we are under. Technology has broken barriers and enabled people to stay connected even more,” sambit naman ni Andrew Hou, President ng Acer Pan-Asia Pacific.

At para mas maging exciting ang concert,  may palaro ang Acer Philippines sa Pinoy fans tulad ng pagtu-tweet ng hashtags: Popsters – #SarahGForAcer, KathNiel – #KathNielForAcer, A’Tin – #SB19ForAcer simula noong August 7 to 8, 2021. At sa pagsagot ng “How You Live Your World?” sa kanilang public Twitter accounts na may hashtag na #LiveYourWorldWithAcer at  #AcerDay2021, nabigyan ng laptop mula Acer ang napili.

Nagkaroon din ng pagkakataong magwagi ng laptop ang netizen sa pamamagitan ng pag-aabang sa post sa Acer’s Twitter page sa set nina Sarah, ng KathNiel, at ng SB19 sa Acer Day 2021 online concert. Ini-retweet lang ng fans ang kanilang sagot sa challenge question presented sa  post at gamit ang hashtags na #LiveYourWorldWithAcer #AcerDay2021 at ang  corresponding fan group hashtags.

At kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Acer Day 2021, ang Acer’s Learn-from-Home promo ay extended hanggang August 15, 2021! Na makakukuha ng Php 8,000 off at FREE Acer Tablet ang sinumang bibili ng laptop, monitor, at projects on Acer’s ecommerce store (https://store.acer.com/en-ph/).

Dagdag pa ang ibinahaging concert code na: ACERDAY2021 na ipinakita sa screen habang ongoing ang concert. Nabigyan ng P3,000 off gamit ang code sa pagbili ng notebooks at desktops.

Ang full version ng Live Your World song tampoksi Sarah G ay mapapanood/mapakikinggan na sa Facebook at YouTube gayundin sa Spotify, Apple Music, at iba pang major music streaming platforms.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Mystery Man Gay

Ibini-build-up na matinee idol mas type maging impersonator

HATAWAN!ni Ed de Leon  “MANIWALA ka sa akin Tito, he’s gay,” sabi ng isang male star tungkol sa isang …

James Reid

James babalik ang kasikatan ‘pag nagpa-sexy

HATAWAN!ni Ed de Leon HOY mukhang bumalik na ang porma ni James Reid. Kung noong mga nakaraang buwan …

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Leave a Reply