Thursday , December 26 2024

PISI, DTI sanib puwersa vs substandard rebars (Mga kompanyang lumabag tinututukan)

MAS paiigtingin ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang kampanya laban sa substandard at unmarked reinforced steel bars matapos matu­klasang may panibagong batch ng rebars ang nagkalat mula sa mga kahina-hinalang manufacturer.

Agad ipinagbigay-alam ni PISI vice president for technical affairs Joel Ronquillo sa Department of Trade and Industry (DTI) na ang substandard rebars ay iniulat na mula umano sa Real Steel Corp at Metrodragon Steel na makikita sa hardware stores sa Central Luzon.

“Unmarked rebars along with rebars embossed with non-registered logos were also found. These rebars are banned because their manufacturer cannot be identified, traced and sanctioned,” ani Ronald Magsajo, PISI president.

Kaya’t iginiit ni Magsajo, paiigtingin ng PISI ang kanilang test-buy operations at mahigpit na makikipagtulungan sa DTI upang masawata ang ganitong uri ng malpractice at upang maprotektahan ang publiko.

Kamakailan, naka­kuha ng rebars samples ang PISI mula sa hardware stores at ipinadala ito sa Bureau of Philippine Standards upang masuri ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC).

Base sa findings ng MIRDC, ang taas ng lug at mass variation ng bakal ay hindi sumunod sa itinakda ng DTI na matiyak ang  integridad ng rebars para sa gaga­mitin sa construction.

Nauna nang dumaan sa pagsusuri ng MIRDC ang mga bakal na gamit ng  Real Steel, Metrodragon Steel at  Philippine Koktai Metal noong Hunyo at napatu­nayan na undersized ang rebars na ibinebenta nito sa Central Luzon.

Gayondin, bigo ang mga nasabing kompanya sa itinatakdang standard ng Philippine National Standard (PNS) para sa rebar na maaaring magdulot ng panganib sa mga gagamit nito para sa construction.

“Some manufacturers and traders are taking advantage of quarantine restrictions and taking shortcuts that ultimately will harm the end-user,” diin ni Magsajo.

“Low mass variation, for instance, is like asking someone to pay for 1 kilo of steel and only getting 900g,” dagdag ni Magsajo.

(NIÑO ACLAN)

 

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *