Friday , November 14 2025

Kabayan Noli, mananatiling Kapamilya

SINABI ni Noli de Castro, siya ay mananatiling Kapamilya at hindi na aalis ng ABS-CBN. Sinabi nga niyang nagsimula siya sa ABS-CBN noong 1986, noong makuhang muli iyon ng mga Lopez mula sa gobyerno. Hindi na siya aalis doon.

Parang mahirap din namang umalis pa si Noli sa ABS-CBN. Hindi siya riyan nagsimula. Galing siya sa mga Benedicto, sa RPN at sa IBC, pero nagtagal siya talaga at nakakuha ng malaking break sa ABS-CBN. Noong araw kasi, si Kabayan ay nagvo-voice over lamang. Sa ABS-CBN inilagay siya talaga on cam. Nakilala siya sa kanyang radio program, hanggang sa maging senador at vice president pa. Tapos nagbalik siya ulit sa ABS-CBN.

Kung iisipin mo, retired na rin naman si Kabayan, dahil sabi nga niya sa amin noong minsan, 75 na rin siya. Talaga ngang dapat sa ABS-CBN na lang siya. Retired na siya eh, hindi na siya makalilipat.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

GMA Kapuso Foundation GMAKF

GMA Kapuso Foundation walang tigil sa paghahatid ng tulong

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang buong puwersa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa paghahatid ng tulong …

Rodjun Cruz Kryzl Jorge Liezl Jorge Purple Hearts vitamins

Rodjun blessing ang Purple Hearts

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND winners sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos na grand finals ng Stars On …

Min Bernardo Kathryn Bernardo

Ina ni Kathryn pumalag, ipinagtanggol ang anak

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni Mommy Min Bernardo, ang mga post na gamit ang larawan …

Atty Joji Alonso Unmarry Min bernardo Kathryn Bernardo

Atty Joji pinahalagahan tulong ni Mommy Min sa pagbuo istorya ng Unmarry

I-FLEXni Jun Nardo KINOMPIRMA sa amin ng lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso na isa sa producer …