Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rep. Romero, 700+ bills nihain sa loob ng 4 taon

NAPUNA ng ilang manunulat maging online news website ang impresibong performance ng isang mambabatas sa Kamara.

Dito nailathala ng ilang pahayagan ang sipag na hindi maikakaila ni House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero na nakapagtala ng 702 panukalang batas mula nang maupo bilang Kongresista.

Bukod dito, ang 47 panukala rito ay ganap nang batas. Ilan sa mga nasabing batas ay ekstensiyon ng driver’s license ng limang taon, ang Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at ang mandatory PhilHealth coverage para sa lahat ng may kapansanan.

Si Deputy Speaker Romero rin ang isa sa principal author ng Bayanihan to Heal as One & Two Act na ngayon ay malaking tulong sa bansa at sa mamamayan.

“Una, tayo ay nagpapasalamat sa Panginoon sa patuloy na talino at kalusugang ipinagkakaloob sa atin para patuloy na makapaglingkod sa bayan. Pangalawa, ang ating Pangulong Rodrigo Duterte na nanalig at inaprobahan ang batas para sa ikabubuti ng ating bansa,” pahayag ni Romero.

Bukod sa pinamamalas na sipag at talino ng mambabatas, na nananatiling pinakamayamang Kongresista sa bansa mula 2016 hangang sa kasalukuyan, patuloy na nagbibigay ng malaking tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” program na libo-libo ang natulungang makapag aral.

Patuloy rin sa pagtulong sa mga batang may butas ang puso o congenital heart disease (CHD) na sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 600 batang napaoperahan para madugtungan ang buhay.

“Tulong. ‘Yun lang talaga nasa isip ko mula po nang ako ay hikayating tumakbo bilang pepresentante ng 1Pacman Party-list. Mas maraming tulong ang aking nais mapagkaloob sa ating mamamayan,” dagdag ng mambabatas.

Ang mambatas ay nagkaroon ng malaking partisipasyon sa larangan ng pampalakasan lalo pa’t siya ang naging team captain na nakasungkit ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …