Saturday , November 16 2024

DOH budget bantayan sa deliberasyon — Angara

PINABABANTAYAN ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara sa mga kapwa senador ang deliberasyon ng budget ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Sinabi ni Angara, chairman rin ng committee on finance, ito ay bunsod ng mga isyu na patuloy na nakaugnay kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Angara, magiging factor ng Senate approval sa 2021 budget ng DOH ang magiging tugon sa hihingin nilang mga detalye tungkol sa pamumuno at accountability ng kalihim sa mga issue ng ahensiya.

Inilinaw ng senador na mananatiling prayori­dad ng kanilang deli­berasyon ang panga­ngailangan ng publiko, at hindi ito iipitin dahil kay Duque.

Sa ilalim ng panu­kalang budget ng DOH, P203 bilyon ang hini­hinging pondo ng tang­gapan para sa susunod na taon. Pasok dito ang higit P71 bilyong alokasyon sa kontrobersiyal na attached-agency  — ang Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth).

Kung maaalala, nadawit ang pangalan ni Duque sa umano’y katiwalian sa loob ng state-health insurer.

Kamakailan inireko­menda ng Senado na isama si Duque sa mga opisyal  na asampahan ng kaso kaugnay ng kontrobersiya.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *