Saturday , November 16 2024

CoVid-19 bumagal sa pagkalat — UP OCTA

NAPABAGAL na ng Filipinas ang pagkalat ng pandemic na coronavirus disease (CoVid-19), ayon sa isang professor ng University of the Philippines, na miyembro rin ng OCTA Research Group.

Ibig sabihin umano nito, “flattened” na ang tinatawag na “curve” ng pandemya.

Sinabi ni Prof. Guido David na bumaba pa sa 0.94 ang reproductive rate (R-Naught) ng COVID-19 sa bansa, mula sa 0.99 datos nito noong nakaraang linggo.

Ang ibig sabihin umano ng naturang development ay napapanatili ng estado ang “flattening of the curve” o mabagal na pagkalat ng sakit.

Ginagamit ang termino na R-Naught para sukatin ang pagkalat o transmission ng sakit mula sa isang infected na tao.

Bukod sa bumagal na reproductive number ng coronavirus, bahagyang bumaba na rin umano ang positivity rate ng bansa. Mula sa higit 4,000 new cases na naitatala ng Department of Health (DOH) noong mga nakaraang linggo ay nasa higit 3,000 na ito sa mga nakalipas na araw.

Sa kabila ng impormasyon, sinabi ni Prof. David na hindi pa puwedeng mag­pakampante ang mga Filipino dahil maaaring magbago ang CoVid-19 trend.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *