Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PhilHealth tiniyak ni Gierran na lilinisin

TINIYAK ni bagong Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President/CEO Dante Gierran na lilinisin ang kontrobersiyal na tanggapan laban sa mga isyu ng korupsiyon.

 

Pangunahing utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang italaga siya sa nasabing government corporation.

 

Sinabi ni Gierran, malawakang tanggalan ang mangyayari kung may makikita silang sapat na rason para gawin ito, lalo sa regional offices.

 

Inamin niyang isa sa kaniyang agad na pinaghandaan, nang mabanggit ng Pangulo ang kaniyang appointment, ang pagbuwag sa umiiral na PhilHealth mafia.

 

Gayonman, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na mahirap gawin ang biglaang pagtanggal sa mga opisyal at tauhan ng PhilHealth dahil baka may malabag na Civil Service Law at madamay ang matitino sa nasabing government corporation.

 

Kaya bagama’t pabor siyang linisin ang nasabing tanggapan, dapat maging naaayon sa batas ang mga gagawing hakbang.

 

“Removing all the regional vice presidents of PhilHealth may be easier ordered than implemented, considering that a number of them are protected by the civil service law. This is not to mention that it is unjust and unfair to those who are not involved in shenanigans in PhilHealth,” wika ni Lacson.

 

Para kay Senate President Tito Sotto, “good choice” ang pagkakapili ni Pangulong Duterte kay Gierran, dahil bukod sa pagiging abogado ay isa rin siyang Certified Public Accountant  (CPA).

 

Samantala, welcome kay Senator Panfilo Lacson ang pagpili ni Pangulong Duterte kay Dante Gierran bilang bagong presidente ng PhilHealth.

 

Ayon kay Lacson, mabuting tao si Gierran.

 

Umaasa umano siyang hindi magiging “Dante’s Inferno” ang PhilHealth.

 

Si Gierran na ilang taon nanilbihan bilang NBI director ang pinili ng pangulo para pumalit kay Ricardo Morales.

 

Haharapin ni Gierran ang matinding hamon sa ahensiya lalo pa ngayong nababalot ito ng kuropsiyon at nahaharap sa kaliwa’t kanang imbestigasyon.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …