Thursday , December 26 2024

Kritiko dapat pakinggan ng mga pamahalaan – WHO (Sa panahon ng pandemya)

GENEVA, Switzerland – Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang mga pamahalaan sa iba’t ibang bansa na makipag-usap at pakinggan ang mga kritiko ng mga ipinatutupad na paghihigpit dulot ng pandemyang CoVid-19.

 

Ayon kay WHO director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, mahalagang pakinggan ang saloobin ng publiko sa ganitong panahon na namamayagpag ang takot at pangamba dahil sa sakit.

 

“We should engage in an honest dialogue. The virus is real. It is dangerous. It moves fast and it kills. We have to do everything to protect ourselves and to protect others.”

 

Sinabi ni Michael Ryan, ang chief ng WHO emergencies na malaking hamon talaga ang pagtanggap sa mga patakarang ipinatutupad sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

 

“It is really important that governments don’t overreact to people protesting against measure. The real important thing to do is to enter into a dialogue with groups.”

 

Ang pahayag ng WHO officials ay bunsod ng pagharang ng mga pulis sa Germany sa ginawang kilos protesta ng libo-libong residente na kontra sa ilang panuntunan na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

Sa kabila nito, hinimok din ni Dr. Ghebreyesus ang publiko na intindihin ang sitwasyon dahil delikado ang kumakalat na coronavirus.

 

Ipinaalala ng WHO chief na suportado nila ang hakbang ng ilang bansa na nagbubukas na muli ng kanilang ekonomiya, pero dapat umanong masiguro na may kaakibat itong paniniguro sa kaligtasan.

 

Pinaiiwas din ng opisyal ang mga bansa sa pagluluwag ng panuntunan sa mass gatherings.

 

“If countries are serious about opening up, they must be serious about suppressing transmission and saving lives. Opening up without having control is a recipe for disaster.”

 

“Avoid these amplifying events so that the other economic sectors can actually open up and the economy can go back into life,” ani Dr. Ghebreyesus. (AFP)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *